Donita Nose naging emosyonal sa latest vlog nila ni Tekla!



Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin ang diumano ay pang-aabuso ng komedyanteng si Tekla sa kaniyang kinakasama na si Michelle Bana-ag. Talaga namang napakaraming mga netizens ang nagkomento at nagbigay ng kanilang reaksyon patungkol dito.



Unang inulan ng hindi magagandang komento si Tekla ngunit kalaunan ay pumanig din ang nakararami sa kaniyang mga naging pahayag. Sa ngayon nga ay naayos na nina Michelle at Tekla ang alitan sa pagitan nilang dalawa.
Hiwalay na sila at hindi na sila magsasama pang muli ngunit patuloy na susuportahan ni Tekla ang anak nila ni Michelle. Labis labis naman ang naging pasasalamat ng komedyante sa mga taong nagtiwala at hindi sumuko sa kaniya sa gitna ng matinding pagsubok na ito sa kaniyang buhay. Isa na sa mga ito ang sikat na komedyante rin na si Donita Nose.


Sa pinakabagong vlog nga nila ay naging emosyonal pa ito at hindi na napigilan pang maiyak nang magkwento patungkol sa naging pagsisimula nila bilang magkaibigan. Una nang nagkatrabaho ang dalawa sa popular na programa ni Kuya Wil na Wowowin.

Kinailangan ni Kuya Wil ng guest na isang mahusay na komedyante at agad namang pumasok sa isipan ni Donita ang kaibigan niyang si Tekla. Ngunit aminado naman siya na noon ay gumagamit pa ito ng ipinagbabawal na gamot at talagang hindi propesyonal pagdating sa usaping trabaho.


Nang dumating naman ang araw na inaasahan si Tekla sa programa ni Kuya Wil ay agad naman itong pumunta na talagang ikinatuwa niya ng husto. Para kay Donita napakalaking bagay na para sa kaniya na kahit papaano ay naging tulay siya upang maging matagumpay sa buhay ang isang tao, at iyon nga ay si Tekla.



Marami mang dapat baguhin kay Tekla noon ay talagang hindi siya sumuko at mas nagapursige pa siyang akayin ang kaniyang kaibigan sa wastong landas. Maging si Tekla ay sobra sobra din ang naging pasasalamat sa kaniyang kaibigan dahil sa hindi siya nito iniwanan kahit pa halos buong mundo ay tumalikod na sa kaniya.




error: Content is protected !!