Mga kaibigan, kaklase at kakilala ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, ibinahagi sa publiko ang pagiging mapagpakumbaba ng dalaga noon pa man!



Si Rabiya Occeña Sundall Mateo ay 24 na taong gulang na Indian-Filipino model at beauty pageant titleholder. Siya ay kinoronahan kamakailan lamang bilang Miss Universe Philippines 2020.

Ang koronang ito ay hawak noon ng “outgoing titleholder” na si Gazini Ganados. Si Rabiya ang magiging kinatawan ng bansa sa gaganaping “Miss Universe 2020 pageant”.



Sa kabila ng mga kontrobersiyang pinupukol ngayon sa dalaga ay marami pa rin ang naniniwala at sumusuporta sa kaniya. Sa katunayan ay ibinahagi kamakailan lamang ng kaniyang mga kaibigan, kaklase at kababata kung paano nagsimula si Rabiya.


Bago pa man siya maging isang ganap na beauty queen ay naging masipag at huwarang estudyante muna siya. Siya ay nagtapos ng kursong “Bachelor of Science in Physical Therapy” sa Iloilo Doctor’s College.


Ayon sa dati niyang kaklase at “roommate” na si Kryszia Tanalgo ay hindi nito alintana kahit pa nga matulog siya sa sahig ng mga panahong iyon dahil sa hindi niya makabayad ng renta.

“She transferred hastily one afternoon near dark with all her clothes, just clothes, so we lent her the banig and pillow for temporary use so she could sleep with something that night. Tita Cecil and Tita Neng are checking on her if she’s okay with the banig for the meantime and she said yes.” Pahayag ni Kryszia Tanalgo.



Dagdag pa nito ay pinagsasabay daw ni Rabiya ang pagmomodelo at pag-aaral hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo. Ayon din sa pahayag ni Ramon Muñez, may-ari ng tinutuluyan nilang boarding house noon ay talagang masipag at pursigidong bata sa Rabiya.

“She did not have money to pay for the rent. She slept on the floor. Her roommates gave her a ‘banig’ so she would have something to sleep on.” Pahayag ni Ramon Muñez.



“Through hard work, perseverance, and sheer grit, she graduated cum laude and now, the 2020 Miss Universe Philippines.” Dagdag pa niya.

Ibinahagi din naman ni Nelly Caballes ang screenshot ng ilang mensahe sa kaniya ni Rabiya noong naghahanap pa ito ng “raket” para sa pag-iipon niya sa kaniyang board exam.




error: Content is protected !!