Michelle Lhor Bana-ag, nakipag-ayos na kay Tekla dahil sa hindi na niya kinaya pa ang mga bashers!



Sina Tekla at Michelle ang naging maiinit na usap-usapan sa social media ng mga nagdaang araw. Talaga namang hindi makapaniwala ang maraming tagahanga at tagasuporta ni Tekla nang malaman na mayroon pala itong ginagawa na hindi kaaya-aya sa kaniyang pamilya.



Ngunit hindi rin naman nagtagal at nakuha na ni Tekla ang simpatya ng publiko dahil sa ang komedyante pala ang sumusuporta sa buong pamilya ng kaniyang kinakasama. Pinatira din nito ang kapatid ni Michelle, kinakasama nito at ilang mga batang pamangkin sa sarili mismo niyang condominium unit.


Ngunit sa kasamaang palad ay nabunyag din sa ilang mga larawan at video na hindi pala iniingatan ni Michelle at ng kaniyang pamilya ang bahay ng komedyante. Maging ang pag-aayos at pagliligpit nito ay hindi rin nila magawa kahit pa nasa loob lamang sila ng condo buong araw.

Dahil dito ay talagang mas marami ang natanggap ni Michelle na mga pambabatikos at panghuhusga, gayundin ang kaniyang pamilya. Marami ang naawa kay Tekla dahil sa hindi na nga ito inaasikaso at inaalagaan ng kaniyang kinakasama ay kargo pa nito ang buo niyang pamilya.



Tunay naman ang kaniyang naging pahayag sa latest vlog nila ni Donita Nose na siya na ang naghahanap-buhay at kumakayod para sa kanilang pamilya kung kaya naman hindi na niya magawa pang maglinis ng kanilang tahanan na dapat sana ay nagagawa ng mga taong naiiwan dito. Nito lamang ika-26 ng Oktubre ay ipinahayag ni Michelle sa programa ni Raffy Tulfo na nagkaayos na silang dalawa ni Tekla at nagkaroon na rin silang ng pirmahan o kasunduan.

Napagkasunduan nilang dalawa na hindi na sila magsasama pa at tanging ang anak na lamang nila ang susuportahan ni Tekla. Nais sana ng komedyante na si Michelle at anak na lang nila ang makasama sa kaniyang tahanan ngunit hindi pumayag si Michelle dahil sa hindi raw niya kayang iwanan ang kaniyang pamilya.



Sa ngayon ay mas maraming bumabatikos sa kaniya at ayon pa sa ilang mga netizens ay kitang-kita na ang tunay niyang kulay.




error: Content is protected !!