Tekla, nagpasalamat sa mga taong sumuporta at nagtiwala sa kaniya. Hiniling na huwag nang i-bash pa si Michelle at ang pamilya nito!



Marami ang sumubaybay sa kontrobersiyang kinasangkutan ng komedyanteng si Tekla at ng kaniyang live-in partner na si Michelle. Lumapit kasi sa programa ni Raffy Tulfo si Michelle at sinasabing inaabuso siya ni Tekla bilang isang babae at kung hindi siya papayag sa nais nito ay gugutumin sila nito.



Talaga namang naging mainit na usapin ito at maraming mga netizens ang sumubaybay sa bawat paglabas ni Michelle sa programa ni Raffy Tulfo. Marami din ang nag-abang sa magiging pahayag ni Tekla ngunit mas minabuti nitong manahimik muna sandali at saka na lamang magpahayag ng kaniyang panig.

Sa ngayon ay ayos na ang kanilang gusot dahil sa pumayag na si Michelle na susuportahan na lamang ni Tekla ang kanilang anak. Hiwalay na silang dalawa at sinisikap ni Tekla na maging matatag para sa kaniyang mga anak at sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa kaniya.



Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang labis niyang pasasalamat sa mga taong nagmahal, nagtiwala at sumuporta sa kaniya. Hindi na raw niya sila maiisa-isa pa ngunit para sa mga ito ay pipilitin niyang bumangon at mas maging matatag.

Hiling din ni Tekla na huwag nang i-bash ng publiko si Michelle at ang buong mag-anak nito dahil sa nangyari. Para sa kaniya ay nais na lamang niyang magpatawad at alisin sa kaniyang puso ang poot na naidulot ng pagsubok na ito sa kaniya.


Aminado naman siyang nagkamali siya minsan ngunit para sa kaniya ay ito na rin ang tamang panahon upang mabago niya ang mga dapat niyang baguhin sa kaniyang sarili. Lalo na at isa siyang “public figure” na hinahangaan ng maraming mga tao sa harap o likod man ng camera.



Patuloy siyang nagdarasal na maging maayos na ang lahat at maghilom na ang malalim na sugat na naibigay sa kaniya ng hindi inaasahang pangyayari na ito. Samantala, nagpahayag naman ng labis na pagkadismaya si Raffy Tulfo dahil sa pag-atras nitong magpa-test kung talagang gumagamit pa ba siya ng ipinagbabawala na gamot o hindi na.

Malaki rin ang posibilidad na maalis sa kaniyang poder ang anak nila ni Tekla kung mapapatunayan ito. Gayundin ang mga pamangkin niyang “menor de edad”.




error: Content is protected !!