Mimiyuuuh ipinasilip na sa publiko ang simple ngunit napakaganda nilang tahanan na “katas ng YouTube”!



Si Jeremy Sancebuche o mas nakilala ng publiko bilang si Mimiyuuuh ay isang 23 taong gulang na Filipino vlogger, model at YouTube content creator. Kamakailan lamang ay labis siyang hinangaan ng publiko dahil sa nakapagpundar na siya kaagad ng sarili nilang bahay at lupa.



Punong-puno ng kagalakan ang puso ni Mimiyuuuh dahil sa wakas ay mayroon na silang komportable at maayos na tirahan. Tuwang-tuwa rin ang kaniyang mga magulang dahil sa murang edad ay nagawa na niyang makapag-ipon at makabili ng bahay.


Ipinasilip na rin niya sa publiko ang simple ngunit napakaganda nilang bahay. Hindi pa tapos at hindi pa kumpleto sa mga kagamitan ang bahay ni Mimiyuuuh at ng kaniyang pamilya ngunit sinabi naman niyang inuunti-unti na niya ang mga ito.


Ang “katas ng YouTube” na ito ay mayroong dalawang palapag, isang swimming pool at apat na mga kwarto. Dalawang kwarto para sa kaniyang mga kapatid at isa para sa kaniyang mga magulang.

Mayroon din siyang sarili niyang kwarto at palikuran. Pagpasok pa lamang sa kanilang pintuan ay talagang sasalubong na sa bisita ang napakaaliwalas nilang kusina at dining room. Agad ding masisilayan ang kanilang outdoor swimming pool.




Nabighani din daw si Mimiyuuuh sa kanilang terrace dahil noon pa man ay gustong-gusto na niyang tumanaw sa kalangitan at pagmasdan ang mga bituin. Ibinahagi din niya na noon ay wala naman talaga silang pantry, parking area, terrace at sarili nilang mga kwarto ngunit ngayon ay mayroon na silang magandang tahanan. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong nagtiwala at sumuporta sa kaniyang mga videos at ganoon din sa mga kompanyang kumuha sa kaniya bilang endorser ng mga ito.

Tunay nga na walang imposible sa taong mayroong pangarap sa buhay at sa kaniyang pamilya. Kapansin-pansin din naman ang pagiging magalang at mapagmahal ni Mimiyuuuh sa kaniyang mga magulang na talagang hinangaan din ng maraming mga netizens.



Maaaring matagumpay na ngayon si Mimiyuuuh ngunit ang kaniyang mga paa ay nakatapak pa rin sa lupa.




error: Content is protected !!