Julia Montes binati si Coco Martin sa kaniyang social media post para sa ika-39 na taong kaarawna nito!



Si Mara Hautea Schnittka o mas nakilala ng publiko bilang si Julia Montes ay 25 taong gulang na aktres at endorser na mayroong dugong German. Una na siyang napanuod noon sa kiddie comedy gag show na “Goin’ Bulilit”.



Sa ngayon nga ay isa siya sa pinakasikat at pinakahinahangaang leading lady sa industriya ng showbiz. Hindi lamang angkin niyang kagandahan ang pumukaw sa atensiyon ng publiko kundi maging ang pambihirang husay niya sa pagganap sa marami niyang mga karakter sa pelikula man o telebisyon.

Maaalalang namahinga siya noon at nagkaroon ng “showbiz hiatus” matapos ang kaniyang teleseryeng “Asintado”. Nang lumipad siya patungo sa ibang bansa ay umugong ang usap-usapang isinilang na niya ang anak nila ni Coco Martin.



Ilang taon na ring hinihintay ng publiko ang kumpirmasyon nilang dalawa ng kanilang tunay na relasyon mula pa noong taong 2012 nang magkasama sila sa teleseryeng “Walang Hanggan” ngunit nanatiling tahimik at pribado ang dalawa. Kamakailan nga lamang ay nagbahagi ng isang larawan si Julia sa kaniyang Instagram post kung saan makikita si Coco na masayang masaya habang nakasakay sa isang bangka at nakahuli ng isang malaking isda.



Wala naman ibang caption na inilagay si Julia kundi ang ilang mga emojis tulad ng gift emoji, heart emoji, at birthday cake emoji. Nagpahayag din naman ng kanilang pagbati ang ilan pang mga sikat na personalidad tulad na lamang halimbawa nina Lorna Tolentino, Iza Calzado, Melissa Ricks, Dominic Roque, Shaira Diaz, at Vina Morales.

Habang heart emojis naman ang naging komento nina Dimples Romana at Isabel Oli sa post ng aktres. Limitado lamang ang maaaring magkomento sa post na ito ni Julia at talagang piling-pili lamang.

Umani naman ito ng sari-saring komento mula sa mga netizens. Marami ang nagsasabing dapat ay umamin na silang dalawa dahil halatang-halata naman ang kanilang relasyon.

Ngunit para sa kanilang mga tagasuporta at tagahanga ay masaya na silang malaman na masaya ang kanilang mga iniidolo sa kanilang relasyon ngayon.




error: Content is protected !!