Coleen Garcia: “Never ko naisip na sabay kami ng daddy ko magpapalaki ng baby!”



Hindi madali ang pagbuo ng isang pamilya. Marahil para sa maraming mga Pilipino.

Ito ay isang pangarap na nais matupad ng isang mag-asawa dahil para sa kanila ay mas masaya at mas kumpleto ang isang pagsasama kung mayroong supling ang isang pamilya. Tulad na lamang halimbawa ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia-Crawford.

Nasaksihan ng publiko ang masaya nilang relasyon bilang magkasintahan at talaga namang ikinatuwa ng marami ang naging pag-iisang dibdib nilang dalawa. Makalipas ang dalawang taong paghihintay ay isinilang na niya ang panganay nilang anak ni Billy na walang iba kundi si Baby Amari.



Masayang masaya ang dalawa dahil sa wakas ay nadagdagan na ang kanilang pamilya at ngayon ay mayroon na rin silang sarili nilang anak. Gayundin naman ay naging napakasaya ni Coleen dahil sa maging ang kaniyang ama ay mayroon ding bagong anak sa bago nitong kabiyak.


Kung noon ay tila walang sigla ang buhay ng kaniyang ama na si Jose Luis Garcia dahil sa 15 taon din itong naging single. Ngayon ay mas nagkaroon siya ng inspirasyon sa buhay dahil sa kaniyang bagong silang na anak.

Masaya naman itong ibinahagi ng kaniyang anak na si Coleen sa social media account nito. Sa kuhang larawan ni Coleen kasama ang kaniyang kapatid sa ama at ang kaniyang anak na si Baby Amari ay talagang tuwang-tuwa ang aktres dahil karga niya ang kaniyang anak at kapatid.

Ibinahagi din ni Coleen ang naging karanasan niya nang magpahiwatig sa kaniya ang Panginoon patungkol sa darating na biyaya sa buhay ng kaniyang ama noong Marso 2019. “Cynical” na tao kung ilarawan ni Coleen ang kaniyang ama kung kaya naman talagang napakalaking pagpapala ng pagdating ng kaniyang kapatid na babae, gayundin ang bagong misis ng kaniyang ama.

Dagdag pa niya ay hindi niya talaga inakalang sabay silang magpapalaki ng kaniyang ama ng kanilang mga supling. Talagang masayang masaya siya at excited na rin sa mga magagandang bagay na kanilang mararanasan.




error: Content is protected !!