Miss Universe Japan 2020 Second runner-up, mayroong dugong Pilipino!



Isang Filipina-Japanese beauty ang usap-usapan ngayon ng maraming mga Pilipino dahil sa nakakabighani nitong kagandahan. Siya ay walang iba kundi si Yuki Sonoda.



Siya kasi ang nag-uwi ng korona matapos ganapin ang Miss Universe Japan 2020 sa kanilang bansa. Dahil sa angkin niyang kagandahan at balingkinitang pangangatawan ay talaga namang marami ang humanga at bumilib sa kaniya.

Ngunit talaga namang mas napukaw pa niya ang atensyon ng maraming mga Pilipino nang mapabalitang mayroon siyang dugong Pinoy kahit pa nga siya ay isang Japanese citizen. Ayon sa ilang mga ulat, ang kaniya palang ina ay isang Pinay habang ang kaniyang Hapon na ama naman ay mula sa Kagoshima.



Para kay Yuki, ang kaniyang ina ang pinakapaborito niyang babae sa buong kalawakan. Talaga namang mahal na mahal niya ang kaniyang mga magulang. Maraming mga netizens din ang nagulat na maruno pala siyang magsalita ng tatlong mga lenggwahe, “Filipino”, “Nihonggo” at “English”.


Siya ay nakapagtapos ng “Law” sa Rikkyo University. Ang naturang patimpalak na “Miss Universe Japan 2020” ay hindi pala ang kaniyang unang beses sa pagsali sa mga ganitong uri ng mga patimpalak.

Dahil noon pa mang 2015 ay sumali na siya sa “Miss World Japan 2015”. Naging bahagi na din siya ng “Miss Supranational Japan 2016”, kung siya kinoronahan bilang “first runner-up”. Nagwagi na rin siya bilang “Miss Asia Pacific Japan 2017” kung saan naging kinatawan siya ng Japan sa “Miss Asia Pacific International 2017”.

Nakapasok siya hanggang sa Top 10 ng patimpalak. Ibinahagi din naman ng beauty queen na ninais niya rin talagang sumabak sa Bb. Pilipinas ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa kaniyang “citizenship”. Tanging “Filipino citizens” at “Philippine passport holder” lamang kasi ang maaaring sumali dito.

Sa ngayon ay isang “citizenship” lamang ang maaari niyang taglayin ayon na rin sa batas ng bansang Japan. Nais niya talagang magpokus sa kaniyang adbokasiya na “health awareness” para sa mga kababaihan.




error: Content is protected !!