Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, nahihiyang kumuha ng kaniyang mga larawan sa naturang pageant dahil sa low quality nitong cellphone!



Si Rabiya Occeña Sundall Mateo o mas nakilala ng publiko bilang si Rabiya Mateo ay 24 na taong gulang na Indian-Filipino model at beauty pageant titleholder. Siya ang nakoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020.



Siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping “Miss Universe 2020 competition”. Hindi lingid sa publiko ang pagiging payak at simple ng kaniyang naging pamumuhay mula pa noon.

Sa kabila nito ay maraming mga Pilipino pa rin ang labis na nabigla nang malamang “low quality” cellphone pala ang gamit nito sa nakaraang kompetisyon niya sa Miss Universe Philippines. Nalaman ng publiko ang pangyayaring ito nang mayroong netizen na nagkomento sa isa sa mga Instagram post ni Rabiya kung saan sinasabi nitong mayroon nang bagong cellphone ang beauty queen.



“may bago na siyang cellphone! Love you manang. Enjoy ang pinaghirapan mo. GOD BLESS.” Pahayag ng naturang netizen.


“Hahaha. Natatawa ako. Pero yes may cellphone na po nab ago. Thank you sa fan na nagbigay.” Sagot naman ni Rabiya.

Hindi man pinangalanan ni Rabiya ang kaniyang fan na nagregalo sa kaniya ng bagong cellphone ay pinasalamatan naman niya ito. Samantala, nagbahagi din naman ng kaniyang komento patungkol dito ang isang talent manager na nakilala sa pangalang Rabie Ian Pogoy.

Ayon sa naging pahayag nito ay batid niya ang hirap na pinagdaanan ni Rabiya sa naturang kompetisyon. Naranasan nitong makisuyo sa kapwa niya mga kandidata para lamang magkaroon siya ng maayos at malinaw na kuha ng ilan sa kaniyang mga larawan.

Mababa kasi ang kalidad ng kaniyang cellphone kung kaya naman madalas ay malabo at hindi maganda ang kaniyang mga larawan. Nahihiya din siyang ilabas ang kaniyang cellphone dahil halos lahat ng kalahok sa patimpalak ay mamahaling mga cellphone ang gamit.

Ngunit sa kabila ng mga bagay na iyon na kaniyang pinagdaanan ay nanatiling matatag at nagsumikap si Rabiya na makamit ang pinapangarap niyang korona. Tunay nga na walang imposible basta’t magsusumikap lamang tayong makamtan ang matagal na nating pinapangarap.




error: Content is protected !!