Michelle Madrigal ipinasilip sa publiko ang napakaganda at napakalawak nilang bahay sa Amerika kasama ang kaniyang pamilya!



Ang paggawa ng mga video ay isa sa pinakapatok ngayon sa maraming mga Pilipino. Marami na tayong mga sikat na Filipino vloggers at video content creators.

Madalas ay nakakapanuod tayo ng mga make-up tutorials, cooking tutorials, travel vlogs, mga trending na social at political issues ng bansa at higit sa lahat mga house tour ng mga paborito nating celebrities. Isa na nga sa mga celebrities na ito ay ang morena beauty na si Michelle Madrigal.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan sa social media ang love story nila ng asawa niyang African-American na si Troy Woolfolk. Ibinahagi nila sa isa sa mga viral vlogs nila na nagkakilala sila sa isang dating app.



At mula doon ay naging magkaibigan silang dalawa, nagkapalagayan ng loob at naging magkasintahan hanggang sa napagdesisyunan na nilang magpakasal. Sa ngayon nga ay masayang masaya na ang mag-asawa dahil sa kanilang panganay na anak na si Anika.


Naninirahan si Michelle kasama ang kaniyang pamilya sa Austin, Texas. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang namangha sa napakaganda nilang tahanan.


Ang simpleng modern house ng mag-asawa ay talaga namang napakalawak at napakaaliwalas. Bubungad agad sa kanilang mga bisita ang kanilang “Money tree” na ayon kay Michelle ay pampaswerte nila sa kanilang bahay.

Mayroong apat na mga silid-tulugan sa kanilang tahanan ngunit ginawa na muna nilang opisina ang isa sa mga ito. Mayroon silang “white massive couch” at 70-inches flat screen TV sa kanilang living room. Ipinakita din naman ni Michelle ang sariling kwarto ng kanilang anak na si Anika na talagang child-friendly at napakaaliwalas din.

Maraming mga netizens ang humanga rin kay Michelle dahil kahit na nga may anak na ito ay napanatili pa rin niya ang magandang pangangatawan nito. Maging ang kaniyang asawa ay “health conscious” din kung kaya naman hindi na nakapagtatakang pag-eehersisyo o pagwowork-out ang isa sa kanilang mga interes.




error: Content is protected !!