Categories: ShowbizViral

Miss Earth Philippines, sinorpresa ang publiko dahil sa napakaganda niyang gown na Darna-inspired at Rafaela costume na hango sa larong Mobile Legends!

Maraming mga Pilipino ang talaga namang nahihilig sa panunuod ng mga beauty pageant at competitions. Nakakamanghang makita ang kagandahan at angking talino ng maraming mga kababaihan lalong lalo na ng mga Pilipina.

Batid naman natin na hindi lahat sa atin ay mayroong magandang buhay at magandang karanasan ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin tayong nagsusumikap at nagtitiyaga sa araw-araw. Kahit anumang pagsubok o hamon ng buhay ay talagang kinakaya natin hindi lamang para sa ating sarili kundi para na rin sa ating pangarap sa ating mga pamilya.

Kamakailan lamang ay marami na namang hinirang na naggagandahang dalaga na magiging kinatawan ng ating bansa sa mga prestihiyosong international beauty pageants. At talaga namang naging usap-usapan ang napakagandang Darna-inspired gown at Rafaela costume ni Miss Earth Philippines, Roxie Baeyens.

Napukaw niya ang atensyon ng publiko dahil sa mala-Diyosa niyang kagandahan at dahil na rin sa nakakabilib nitong mga kasuotan. Una na riyan ang kaniyang Darna-inspired gown na idinisenyo ni Rian Fernandez.
Talagang napakadetalyado ng long gown na ito, kulay pula tulad ng kasuotan ni Darna, marami din itong mga “gold beads” na tila ba mga bituin at ang signature gold cuff ni Darna. Ayon sa beauty queen ay labis ang kaniyang paghanga kay Darna dahil ang karakter nito ay tumutulong sa maraming mga kababaihan na hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Si Roxie ay isang “tourism graduate” at nais niyang maging isang aktres at mang-aawit sa hinaharap. Nagsuot din siya ng costume na kilalang-kilala ng maraming mga Pilipino lalo na yung mga naglalaro ng mobile game na “Mobile Legends”.

Lutang na lutang kasi ang kaniyang kagandahan sa kaniyang “Rafaela costume” o ang “Angel of Healing costume” niya na talaga namang patok na patok sa maraming mga netizens.

“My designer’s inspiration is Rafaela (healing for everyone). Although I have never played Mobile Legends before, reading a lot about her made me see why people has grown so fond of her.” Pahayag ni Roxie.

“She is sent by heaven to alleviate the sÜffering in the world, Rafaela descends on the Land of Dawn to heal all pa!n and punish all ev!l with the holy light,” dagdag pa niya.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago