Mister sobrang naiyak nang mabuksan ang regalo sa kaniyang helmet ng kaniyang misis!



Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag naa-aappreciate ng taong mahal mo ang ginagawa mo para sa kaniya. Tila ba lahat ng paghihirap, pagod at sakripisyo ay nawawala na lang agad agad.



Kung kaya naman para sa mga magkasintahan o mag-asawa, hindi dapat ito mawala. Kahit ano pa man ang “love language” o “emotional needs” ng inyong minamahal, huwag na huwag sana ninyong kalimutang i-apreciate ang kaniyang mga ginagawa para sa inyo.

Marahil labis na kagalakan ang nararamdaman ngayon ng mister na ito dahil sa napaiyak pa nga siya nang matanggap ang isang regalo mula sa kaniyang misis. Ang pinapangarap niyang Evo helmet ay iniregalo sa kaniya ng kaniyang pinakamamahal na misis.


Ang mister na naging emosyonal nang makita ang regalo sa kaniya ng kaniyang asawa ay walang iba kundi si Benson Madueno. Ibinahagi mismo ng kaniyang misis ni Arlene ang nakakatuwa niyang video dahil sa kitang kita ang naging pag-iyak nito nang masilayan ang Evo helmet na noon pa man ay pinapangarap na niya.




Niregaluhan ni Arlen ang kaniyang mister para sa ika-17 nilang anibersaryo bilang mag-asawa. Umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang naging palitan ng mensahe ng dalawa kung saan sinabi ng kaniyang misis na mabunganga man siya ay wala siyang ibang gusto kundi ang ikasasaya ng kaniyang asawa.

Dagdag pa ng misis ay ayos lang sa kaniya kahit walang regalo sa kaniya ang mister dahil sa nagsusumikap itong magtrabaho para sa kanilang pamilya ay nararapat lamang sa kaniya ang bagong helmet na ito. Kung noon ay nakikita lamang ito ni Benson sa mga bilihan at madalas na kinukuhanan ng larawan, ngayon ay abot-kamay na niya ito dahil sa napakabait at maalalahanin niyang misis.

Tunay nga na napakaraming mga mag-asawa ngayon ang tila nakakalimot nang pahalagahan ang kanilang mga kabiyak, kung kaya naman malaking bagay din ang video na ito dahil sa pinaaalalahanan tayo nito na lalaki man o babae, mister man o misis ay deserve din namang sorpresahin at masorpresa.




error: Content is protected !!