Donnalyn Bartolome, naiyak matapos isauli sa kaniya ng dati niyang nobyo ang mga gamit nito sa kaniya!



Marahil aynakasanayan na ng marami sa atin ang magsauli ng gamit ng mga taong naging bahagi na ng ating nakaraan o iyong mga taong “ex” na kung tawagin natin. Tunay nga na masakit at hindi maipaliliwanag ang pakiramdam nito ngunit kailangan natin itong pagdaanan upang matuto tayo sa buhay.

PHOTO/S: DONNALYN BARTOLOME YOUTUBE

Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa latest vlog ni Donnalyn Bartolome habang binubuksan at inuunti-unti nito ang ipinadalang kahon sa kaniya ng dati niyang nobyo. Ang kahon pala na ito ay puno ng gamit ng sikat na vlogger dahil sa naghiwalay na sila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na itinago na lamang niya sa pangalang Dex o Donnalyn’s Ex.

“Binalik na niya lahat ng gamit ko. Ready na siya mag-move on, samantalang ako di ko pa naempake mga gamit niya na andyan… Wala na, di na ako mahal…” Pahayag ni Donnalyn sa kaniyang vlog.

PHOTO/S: DONNALYN BARTOLOME YOUTUBE



Unang araw ng Nobyembre, tamang tamang sa Halloween celebration ang ibinahagi ni Donnalyn na video sa kaniyang vlog. Nakita din ni Donnalyn ang underwear na regalo sa kaniya ng kaniyang boyfriend for five years na si Dex.


Biruan kasi nila noon na ibibili siya nito ng local brand ng underwear dahil sa ayaw na ayaw niya nga ito.
“Sabi ko ayoko ng [local brand] panty. Gusto ko ng mga sexy na panty. Binilhan pa rin niya ako ng [local brand] na panty!” Pahayag pa niya.

PHOTO/S: DONNALYN BARTOLOME YOUTUBE

Ibinahagi din naman ni Donnalyn ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang on and off nilang relasyon.
“Don’t think masamang tao siya. It’s just that our relationship is so complicated. We tried several times. Every time naman, I feel that I’m loved better. But I realized kasi na there are things in my life that’s not just fit sa life niya.” Komento pa ni Donnalyn.

Kumakain siya ng cake na hugis “broken heart” habang ginagawa niya ang vlog niyang ito.




error: Content is protected !!