Kapatid ng dating live-in partner ni Super Tekla, nagalit kay Raffy Tulfo matapos itong sabihan na mataba!



Pinagpiyestahan ng publiko ang kontrobersiyal na isyu sa pagitan ng sikat na komedyante at host na si Super Tekla at ng kaniyang kinakasamang si Michelle Bana-ag. Ito ay matapos magreklamo ang huli sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pang-aabuso diumano sa kaniya ni Tekla bilang isang babae at ang hindi nito pagpapakain sa kaniya at sa kaniyang pamilyang nasa poder mismo ng komedyante.

Noong una ay maraming pumanig kay Michelle dahil sa hindi tamang pagtrato ni Tekla sa kaniya lalo na sa usapin nilang dalawa bilang mag-asawa. Ngunit nang unti-unti nang lumabas ang panig ni Tekla sa pamamagitan ng kaniyang mga kaibigan na sina Ogie Diaz at Donita Nose ay mas marami na ang sumang-ayon sa komedyante.

Lingid pala sa kaalaman ng marami ay kargo ni Tekla ang lahat ng responsibilidad sa pamilya ni Michelle mula sa kapatid nito, kinakasama ng kaniyang kapatid at maging sa maliliit niyang mga pamangkin ay si Tekla lamang ang sumusuporta. Maliban pa sa mga pamangkin ni Michelle na kasama nila sa condo ni Tekla ay pinapadalhan pa ng komedyante ng pinansiyal na pangangailangan ang mga pamangkin sa probinsiya ni Michelle.


Talaga namang napakahirap ng sitwasyon ni Tekla lalo na at uuwi siyang hindi malinis at maayos ang kanilang tahanan. Dahil sa ginawang aksyon ni Michelle ay mas marami pang mga taong nagalit sa kaniya at sa kaniyang pamilya.



Isa na nga sa mga ito ang kaniyang kapatid na si Ashley na tila kinukunsinti ang kaniyang kapatid sa ginagawa nito. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan si Ashley dahil sa pagpopost nito sa social media patungkol sa diumano ay pagiging bastos ni Raffy Tulfo sa pagtawag sa kaniya ng mataba.


“Bastos, tinawag ba naman akong mataba bakit? Ako lang ba mataba sa mundo??!!!! Kahit mataba ako, maganda ako no!!” Pahayag ni Ashley.

Umani ito ng mas maraming reaksyon at komento mula sa publiko. Hanggang sa ngayon ay marami pa ring nambabash sa pamilya ni Michelle dahil sa ginawa niyang ito kay Tekla.




error: Content is protected !!