Simpleng pamumuhay ni John Lloyd Cruz labis na hinahangaan ngayon ng publiko!



Si John Lloyd Espidol Cruz o mas hinangaan ng publiko bilang si John Lloyd Cruz ay 37 taong gulang na aktor, modelo, endorser at host. Una na siyang hinangaan noon bilang isa sa mga artistang kabilang sa palabas na “Tabing Ilog”.



Matapos nito ay mas marami pang mga eleserye at pelikula ang kaniyang ginawa. Dahil sa pambihirang husay niya sa pag-arte ay isa na siya sa tinaguriang “ultimate leading man” sa industriya ng show business.

Marami na din siyang nakaparehang mga aktres na tulad niya ay mahusay din sa kanilang larangan. Ang kaniyang personalidad bilang isang “boy next door” ay talaga namang tumatak sa maraming mga Pilipino.


Sa kabila ng napakarami niyang mga proyekto noon ay nagdesisyon pa rin siyang iwanan ang industriyang matagal na panahon din niyang kinabilangan. Taong 2017 nang mangyari ito kung saan naging kontrobersiyal ang paglisan nila ng aktres na si Ellen Adarna sa harapan ng kamera dahil pala sa ipinagbubuntis na ni Ellen ang kanilang anak na si Elias Modesto.




Sa ngayon ay hindi pa rin siya tuluyang bumabalik sa pag-arte ngunit marami sa kaniyang mga tagahanga ang patuloy pa ring umaasa na muli nilang masisilayan si John Lloyd sa harapan ng kamera gumagawa ng mga teleserye at pelikula. Kamakailan lamang ay mayroong mga larawan ng aktor na kumakalat sa social media kung saan siya ay tila bumibili at kumakain ng street food.

Hindi ito nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens at talaga namang napatunayan nilang si John Lloyd nga ito. Kahit pa nga sikat nang artista si John Lloyd ay hindi pa rin siya natatakot o nangangamba na sumubok ng maraming mga bagay kahit pa nga mag-isa lamang siya.

Maraming mga netizens ang bumilib sa aktor dahil sa simpleng pamumuhay niya ngayon na talagang namang na-eenjoy din nito. Kitang kita sa kaniyang mga mata ang kaniyang kagalakan at pagiging kuntento.

Naghiwalay man sila ni Ellen ay nananatili pa rin naman silang magkaibigan para sa kapakanan ng anak nilang si Elias.




error: Content is protected !!