Ginang nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa edad na 67 nang pakasalan niya ang 57 taong gulang niyang nobyo!



“Age doesn’t matter in love!” Iyan ang madalas natin nababasa at nadidinig lalo na kung ang usapin ay tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na mayroong malaking agwat sa kanilang mga edad.

Image by KMJS via Facebook

Marami nang nagpatotoo sa mga katagang ito kahit mga sikat na personalidad, artista man o pulitiko ay mayroong ganitong karanasan sa kanilang minamahal. Halimbawa na lamang ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto gayundin naman sina Jules Ledesma at Assunta de Rossi.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pag-iibigan ng magkatipan na ito. Sa kabila kasi ng sampung taong agwat ng edad ng “bride” sa kaniyang “groom” ay talagang pinatunayan nila sa publiko na hindi pa huli ang lahat upang magpakasal sila.

Naitampok ang pag-iibigan nila sa sikat na magazine show na “Kapuso Mo,Jessica Sojo”. Talaga namang mapili si Delfa, 67 taong gulang sa kaniyang mga naging manliligaw noon kung kaya naman tumanda na siyang dalaga at nawalan ng pag-asa.



Nagsisisi pa nga ang kaniyang ama dahil sa hindi na ito nagkaroon ng apo sa kaniya. Ngunit laking pasasalamat nila dahil inilaan ni Delfa ang kaniyang oras at panahon upang maalagaan sila.


Sinong mag-aakala na kahit matanda na siya ay mayroong lalaking mabibighani sa kaniya?

“Nu’ng panahong iyon, kuntento na talaga ako. Hanggang may nagsabi sa akin na ‘Uy, Delfa, meron daw gustong bumisita sa’yo.’ May mga nagsasabi na hindi raw ba kami nahiya, kung kailan may edad na kami saka nagliligawan.” Pahayag ni Delfa.

Image by KMJS via Facebook

Ito ay walang iba kundi si Dodot na 57 taong gulang. Aminado siyang pihikan siya mga babae ngunit nang makilala niya si Delfa ay talaga namang nahulog ang kaniyang loob dito kung kaya naman agad niya itong niligawan.

“May mga naging kasintahan ako pero sadya akong pihikan. Pero nagbago ‘yun nang makilala ko si Delfa. Parang bumalik ‘yung pagkabinata ko. Nagkagusto ako sa kanya. At kahit anong gawin ko, siya ang pumapasok sa isip ko. May mga nanunukso na kung kailan daw matanda na kami saka kami nagliligawan.” Pahayag ni Dodot.

Matapos ang ilang buwan na pagliligawan ay nauwi rin sa kasalan ang matamis nilang pagmamahalan.

 




error: Content is protected !!