Misis ng isang barbero, iniipon ang tips na nakukuha ng kaniyang mister at nakaipon ng Php217,000 sa gitna ng pandemya!



Marami ang lubos na humanga at bumilib sa wais na misis na ito dahil sa ginawa niyang pag-iipon sa mga tips na nakukuha ng kaniyang mister na isang barbero kahit pa noong bago mag-lock down! Ibinahagi niya ang kaniyang kwento sa sikat na financial literacy page sa Facebook ang, CFO PESO SENSE.

Ikinuwento ng misis kung paano nagulat at talagang nasorpresa ang kaniyang asawa nang ipakita niya rito ang malaking halaga na mula pala mismo sa kaniyang mga tips sa kaniyang trabaho. Naging kasunduan pala ng mag-asawa na ang mister mismo ang mag-iipon para sa kinabukasan ng tatlo nilang mga anak mula sa kaniyang sahod basta’t ibibigay niya ang mga tips niya sa kaniyang misis.

Madalas ay halos na Php1,700 ang nakokolektang tips ng mister na lahat ay ibinibigay niya sa kaniyang misis. Agad namang itatabi ng misis ang Php1,000 araw-araw. Ang matitirang pera ang siyang gagamitin niya sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Hindi na inalam pa ng mister kung magkano ang inaabot ng kaniyang tips at kung saan ito dinadala ng kaniyang asawa basta’t ang kailangan niyang gawin ay mag-ipon para sa kanilang mga anak. Walang kamalay-malay ang mister na iniipon palang lahat ng kaniyang misis ang kaniyang mga tips at nang dumating nga ang pandemyang ito ay hindi siya makapaniwalang nakaipin ng halagang Php217,000 ang kaniyang asawa!



Ayon sa naging pagkukwento ng wais na misis ay nagtataka ang kaniyang asawa kung saan siya nakakakuha ng pambili ng masasarap nilang ulam sa gitna ng pandemya at nang tanungin niya ito ay agad namang sinabi ng misis na mula mismo ito sa kaniyang mga naging tips noon na sininop niya. Tuwang-tuwa at talagang gulat na gulat ang mister dahil sa hindi niya akalaing magkakaroon pa pala sila ng pera kahit na sa gitna ng mahirap na sitwastyong ito dahil sa pagiging wais ng kaniyang asawa.





error: Content is protected !!