Simple man at maliit ang tahanang ito ay talaga namang bibilib ka sa napakagandang mga gamit at ayos ng buong bahay!



Maraming mga Pilipino ang nagpaplano at nagsusumikap na makapag-ipon upang makabili ng sariling bahay at lupa. Hindi man biro ang halaga ngayon ng bahay at lote ay talaga namang nagtitiyaga ang marami sa atin upang kahit paano ay magkaroon sila ng tahanan na masasabi nilang kanila talaga.

Tunay nga ang kasabihang isang reyna lamang ang maaaring tumira sa isang kastilyo kung kaya naman nararapat lamang na kapag mayroon nang sariling pamilya ay talagang bumukod na mula sa mga magulang. “Leave and cleave” wika nga ng iba kung saan iiwanan muna ang poder ng iyong mga magulang, mga kapatid, at hindi ka na mamumuhay pang tila isang dalaga o binata.

Naging napakahirap nito sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga taong hindi naman isinilang ng mayaman. Milyon na kasi ang halaga ng lupa o lote sa ngayon, hindi pa kasama ang pagpapagawa ng bahay, at pagbili ng mga kagamitan sa loob nito.




Kung kaya naman para sa marami sa atin ay talagang napakalaking tagumpay nito. Tulad na lamang ng nakamit na tagumpay ng netizen na si Agnes Mateo.

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kaniyang social media post kung paano nila naipundar ang simple ngunit napakaganda nilang munting tahanan. Bilang panimula sa kaniyang ibinahagi post ay nagtanong ito kung saan nga ba makakarating ang iyong ipon at ang kagustuhan mong magkaroon ng sariling bahay?

Maliit man daw ang kanilang tahanan ay masayang masaya pa rin siya at ang kaniyang pamilya dahil sa mayroon silang maayos at maaliwalas na pahingahan at palikuran. Hindi nila kailangan pang magbayad ng buwanang renta at talagang matatawag nilang kanila na ang bahay na ito.

Si Agnes lamang ang nagplano at nagdisenyo ng maganda at maaliwalas nilang tahanan. Dagdag pa niya ay nagbunga na rin sa wakas ang kanilang paghihirap, puyat at pagod. Nagbiro pa nga itong kasama na rin dito ang init ng balat na kanilang dinanas at siyempre kaunting iyak.

Hindi rin niya nakalimutang ibahagi ang napakatibay nilang ginawa na talagang subok na nila, ang manalangin sa Diyos.




error: Content is protected !!