Categories: Good DeedsViral

Lalaking nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, napaluhod at naiyak matapos makatanggap ng Php3,000 mula sa isang estranghero!

Sa pandemyang kinakaharap natin sa ngayon, maraming mga Pilipino at mga pamilya ang talagang naapektuhan. Maraming mga ama at ilaw ng tahanan ng nawalan ng mga trabaho at mga anak na hirap makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.

Nawalan na ng pag-asa ang karamihan at talaga namang nanlumo sa napakahirap na sitwasyong ito. Ngunit marami pa rin talaga ang hindi sumusuko sa buhay at patuloy na bumabangon kahit gaano pa kabigat ang kanilang dalahin sa buhay.

Isang buhay na patotoo na ang isang matandang lalaking ito na namataan ng netizen na si Dhagz Vergara sa simbahan ng Baclaran noong ika-4 ng Nobyembre. Napukaw ang atensyon niya dahil sa tila napakabigat na dalahin ng matandang lalaki.

Narinig din niya ang naging usapan nito at ng isang lalaking mayroong hawak na helmet sa kaniyang braso. Nagulat si Dhagz nang dumukot at nag-abot ng halagang Php3,000 ang lalaking may helmet sa matandang lalaking nakikiusap lamang sa kaniya ng kaunting limos dahil sa walang wala na talaga siyang pera.


Ang matandang lalaki pala ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at hindi makauwi sa kaniyang pamilya dahil sa wala itong perang pamasahe.

“Good samaritan : (dumukot ng tatlong libo) ito tatay umuwi ka na daw sabi ni lord galing po sa knya yan instrumento lng ako mag iingat po kau ( sabay paalam at talikod sa matanda),” pahayag ni Dhagz.

Nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki ay ninais ding tumulong ni Dhagz ngunit napansin niya ang matandang lalaking napaluhod at talagang umiiyak sa loob ng simbahan dahil sa labis na pagpapasalamat nito. Nang aabutan na ng kaunting salapi ni Dhagz ang matandang lalaki ay hindi na niya ito tinanggap dahil sa malaki na raw ang natanggap niyang tulong mula sa lalaking may hawak na helmet kung kaya naman sa ibang tao na lamang sana ito ibigay ni Dhagz.

Marami pa daw kasi silang mga tao roon na nangangailangan ng tulong.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago