Isang guro, nag-deactivate ng kaniyang social media matapos hiyain si Angel Locsin sa DepEd modyul na isinulat nito sa Occidental Mindoro!



Si Angelica Locsin Colmenares o mas minahal at nakilala ng publiko bilang si Angel Locsin ay 35 taong gulang na aktres, commercial model, producer at designer. Marami siyang tagahanga at tagasuporta dahil sa pambihirang husay niya sa pag-arte.



Nitong mga nagdaang buwan ay ipinamalas din niya sa sambayanang Pilipino na siya ay isang mapagbigay at matulunging indibidwal. Sa kabila ng tinatamasa niyang tagumpay sa ngayon ay talagang nananatili pa ring nakatapak ang kaniyang mga paa sa lupa.

Dahil sa ginawa niyang pagtulong sa maraming mga pamilyang Pilipino na apektado ng kalamidad at sakuna ay maraming mas humanga sa kaniya. Ang mga taong ito rin ang nagtatanggol sa kaniya mula sa mga taong naninira at nanghuhusga sa kaniya dahil sa pagbigat ng kaniyang timbang.



Maaalalang nito lamang Hunyo ay nag-viral ang larawan ng aktres sa Mauban, Quezon. Oktubre naman ng kumalat ang kaniyang larawan habang nagtitaping siya sa Quezon City para sa programang “Iba ‘Yan”.
Ngunit kamakailan lamang ay muli na namang umugong ang usap-usapang hiniya ng isang guro sa Occidental Mindoro ang aktres dahil lamang sa katawan nito ngayon! Ayon sa ilang mga larawan na kumakalat ngayon sa social media ay gumawa ng isang sitwasyon ang guro mula sa Abra de Ilog National High School.


Ang naturang guro ay nakilala sa pangalang Keith Richard Firme dahil nasa likurang bahagi mismo ng modyul na kaniyang inihanda ang kaniyang pangalan at pirma.

Narito ang isinulat niyang tanong sa DepEd modyul:

“SITUATION. Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television and does not have any physical activities.”

Kasunod ng sitwasyong ito ay ilang mga tanong na dapat sagutan ng estudyante. Marami namang mga netizens ang talagang nagalit dahil dito. Si Angel ay nananatili namang tahimik sa naturang insidente.




error: Content is protected !!