Rudy Baldwin mayroon na namang 5 pangitain na maaaring mangyari ngayon o sa susunod na taon!



“Madam Rudy Baldwin” kung tawagin siya ng publiko. Marami na siyang mga naging pangitain at mga prediksyon na talagang nagaganap at nararanasan natin.

Nakakatakot at talagang nakakatindig-balahibo ang mga pangyayaring ito ngunit talagang nagaganap ang karamihan sa mga prediksyon niya. Dahilan upang maraming mga netizens ang tumutok at sumubaybay sa kaniyang mga social media accounts lalo na sa kaniyang Facebook account na mayroon nang higit sa tatlong milyong mga followers.

Kamakailan lamang ay nakapanayam siya ng sikat na host na si Korina Sanchez at inilahad nga niya ang 5 mga pangitain na maaaring maranasan natin ngayong taon o sa susunod na taon. Unang una na rito ang pagpanaw ng isang Asian leader.




Ayon sa naging pahayag niya ay talagang tumatak sa kaniya ang pangalan ng Asian leader na ito na nasawi mismo sa kaniyang kinatatayuan sa harapan ng maraming mga tao. Ikalawa, mayroong malaking trahedyang mangyayari sa gitna ng karagatan.


Isang malaking barko diumano ang lulubog ngayong taon at magiging sanhi ito ng pagkasawi at pagkawala ng maraming mga tao. Ikatlo, mayroong tatlong mga artista sa showbiz ang babawian ng buhay.

Ayon sa kaniya ay isang “legend” ang unang artista na masasawi na hanggang sa ngayon ay namamayagpag pa rin ang karera, sa modeling, mga commercials, movie at maging sa pulitika. Ikaapat ang mas malakas na pagsabog ng bulkang Taal.

Inilarawan niya bilang isang traydor ang bulkan na ito dahil sa kabila ng kaniyang pananahimik ay sasabog ito ng mas malakas pa sa naging pagputok nito noong Enero 2020. Ang panghuli ay ang mas malalang paghagupit ng kalikasan.

Maaaring mas matindi pa ang mga mararanasan nating kalamidad sa susunod na mga buwan kung kaya naman pinapaalalahanan niya ang lahat na mag-ingat at manalangin.




error: Content is protected !!