Pangarap na Rolex na pinag-ipunan ng matagal, ibinebenta para pangtulong sa mga nasalanta ng bagyo!



Kung mayroon kang isang bagay na matagal nang pinapangarap at talagang pinag-ipunan mo ng matagal upang mabili mo ito, magagawa mo bang ibenta ito para sa ibang tao? Marahil marami sa atin ang magsasabing hindi nila ito kayang gawin ngunit para kay Sherwin Gonzales ay hindi lamang mga materyal na bagay ang makapagpapasaya sa kaniya para sa kaniyang kaarawan ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon sa naging pahayag niya ay matagal na talaga niyang pinapangarap ang makabili ng relong Rolex. Ang halaga ng relo na ito ay mas mahal pa pala sa isang brand new na sasakyan.

Dagdag pa niya, labis siyang nagulat sa balitang napanuod niya sa telebisyon kung saan ipinapakita ang maraming mga tahanang nasira at maraming mga taong walang makain.

“Narealize ko I’ve already received the best gift ever for my birthday. The gift of life and that’s priceless!” Komento ni Sherwin.




Para sa kaniya ay sobra sobra nang pagpapala ang kaniyang natatangap sa araw-araw sa pagdilat pa lamang ng kaniyang mga mata sa umaga. Ligtas siya at ang kaniyang pamilya mula sa mapaminsalang bagyo, walang sakit at patuloy pa ring nakakakain ng tatlong beses sa isang araw o higit pa.

“Try to imagine waking up na na-wipe out ang bahay mo ng bagyo hayss… Bye, bye ROLEX. It’s time to wake up that material things don’t last.” Pahayag pa niya.

Napagdesisyunan niyang i-donate ang isang milyong pisong napagbentahan ng kaniyang mga relo sa GMA Kapuso Foundation upang sila na mismo ang bahalang magbahagi nito at tumulong sa mga taong labis na nangangailangan.

“‘Di po ako mayaman but galing ‘yan sa puso ko. Sana with this post marami maka-realize how blessed they are. Hindi natin ikakayaman mag-sacrifice pero hindi din natin ikahihirap ang mag-share ngayon gaano man kalaki o kaliit.” Paliwanag pa niya.

Tunay nga na napakaraming mga netizens ang humanga at bumilib sa ipinakita niyang pagmamalasakit sa kaniyang kapwa. Lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.




error: Content is protected !!