Sam Milby, ipinahayag ang labis na kaligayahan sa relasyon nila ngayon ni Catriona Gray!



Kamakailan lamang ay ibinahagi sa publiko ng aktor at singer na si Sam Milby ang napakasayang takbo ng buhay pag-ibig niya sa ngayon. Nagkaroon siya ng isang interview sa “Magandang Buhay” kung saan ipinahayag niya kung gaano siya kapalad dahil sa mayroon siyang trabaho at komportable pa rin ang pamumuhay niya sa kabila ng maraming mga hindi inaasahang pangyayari sa buong mundo.

Hindi rin naman niya nakakalimutan ang mga taong naghihirap sa ngayon at mga taong apektado ng pandemya at iba pang sakuna ngunit talagang hindi lang niya maiwasang maisip kung gaano siya kapalad sa ngayon. Kung kaya naman talagang labis labis ang kaniyang pasasalamat.

“Ayaw ko maging insensitive siyempre, my heart goes out sa mga tao, sa buong mundo nitong pandemya… I just feel so blessed to have work and to be comfortable pa rin sa buhay,” pahayag niya sa “Magandang Buhay”.

Si Sam ay kabilang ngayon sa isang teleserye sa ABS-CBN na pinamagatang “Ang Sa Iyo ay Akin” kung saan kasama niya sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Diamond Star Maricel Soriano, at marami pang iba. Tunay nga na maliban sa magandang takbo ng kaniyang karera sa ngayon ay napakasaya rin ng kaniyang buhay dahil sa kaniyang relasyon kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.




“I’m so blessed. First off, happy ang puso ko. I’m blessed sa love life definitely,” dagdag pa ni Sam.

Maliban sa kaniyang nobya ay ipinagpapasalamat din ni Sam na maraming mga tao sa kaniyang paligid na talaga namang naaasahan at nalalapitan niya tulad na lamang ng kaniyang kapatid, pamangkin at ilang mga kaibigan sa kanilang simbahan.

“I’m also blessed sa mga tao sa paligid ko. I have great friends and I just learned to appreciate more during this pandemic. I’m grateful to have people in my life even my sister, yung pamangkin ko, church friends ko,” pahayag pa ni Sam.




error: Content is protected !!