Sila pala ang mga celebrity look-alike na talagang mapapalingon ka at mangingiti dahil sa napakalaki talaga ng kanilang pagkakamukha!



Napakaraming mga magaganda at guwapong mga artista sa Pilipinas. Talaga namang hindi maikakailang napakaraming mga matitipuno at makikisig na mga aktor at mga nagseseksihang mga aktres at modelo. Ngunit kamakailan lamang ay talaga namang pumukaw sa atensyon ng publiko ang ilang mga larawan ng mga ordinaryong tao na mayroong napakalaking pagkakamukha sa mga sikat na celebrity na ito. Narito ang ilan sa kanila:

PIA WURTZBACH




Si Pia Alonzo Wurtzbach ay 31 taong gulang na Filipina-German model, aktres at beauty queen. Siya ay kinoronahan bilang Miss Universe 2015 at naging isa sa apat na mga Pilipinang nag-uwi ng naturang karangalan sa bansa. Sinong mag-aakala na magiging kahawig niya pala ang isang lalaking nagngangalang “Daniel Garcia”

RYAN AGONCILLO


Si Kristoffer Lou Gonzales Agoncillo o mas nakilala ng publiko bilang si Ryan Agoncillo ay 41 taong gulang na aktor, modelo, photographer, at TV host. Ngunit sa isang kumakalat na larawan ay tila ba naging isang babae si Ryan na nakasuot pa nga ng kulay asul na off-shoulder.



JOHN LLOYD CRUZ



Si John Lloyd Espidol Cruz naman o mas hinangaan ng publiko bilang si John Lloyd Cruz ay 37 taong gulang na aktor, modelo, at TV host. Isa siya sa pinakamahusay na aktor sa bansa ngunit ilang taon na ang nakalilipas nang mapagdesisyunan nitong iwanan ang showbiz upang mamuhay ng simple. Mayroon ngang ilang mga netizens na nagsasabing tila nakasabay na nila minsan sa dyip si Lloydie.

DARREN ESPANTO


Kapansin-pansin din naman ang pagkakamukha nina Darren Espanto at anak ni Kris Aquino na si Bimby. Si Darren Lyndon Gonzales Espanto ay 19 na taong gulang na Filipino-Canadian singer at aktor na una nang nakilala sa pambihira niyang talento sa pag-awit.

BARBIE FORTEZA


Si Barbie Forteza naman o si Barbara Ambas Forteza sa tunay na buhay ay 23 taong gulang aktres, endorser at modelo. Mayroon din siyang kamukha na isang singer.




error: Content is protected !!