Derek Ramsay at Andrea Torres, tila hiwalay na nga yata talaga?



Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang umaasa na ang mga paborito nating artista o personalidad ay magkaroon ng masayang buhay pag-ibig. Hindi madali ang pagpapanatili ng isang relasyon lalo na sa panahon ngayon na tila ba napakaraming mga problema at napakaraming mga hadlang.

Ngunit mayroon pa ring iilang mga indibibwal ang nagnanais na ipagpatuloy ang kanilang relasyon at pagmamahal sa kabila ng napakaraming mga pagsubok. Maaalalang Setyembre lamang ng nakaraang taon nang ibahagi nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa publiko ang matamis nilang pagtitinginan.

Mas naging malapit kasi ang dalawa dahil sa naging pagtatambal nila sa programa nila noon na pinamagatang “The Better Woman”. Mula nga noon ay talagang sinubaybayan na ng marami nilang mga tagahanga ang kanilang naging relasyon.

Marami ang nag-aabang at kinikilig dahil sa mga social media post nila para sa isa’t-isa. Madalas din naman silang nakikita na magkasama.



Malimit kasing dumadalaw si Andrea sa bahay ng kaniyang nobyo. Nagkaroon pa nga ng bulong-bulungan na nagli-live in na ang dalawa ngunit binigyang-linaw ito ng aktres dahil sa nais daw muna niya na maikasal sila bago sila manirahan sa iisang bubong.


Ngunit kasabay ng mapaminsalang bagyong Ulysses ay nagdulot din ng kalungkutan ang usap-usapan ngayon sa social media na maaaring hiwalay na nga ang dalawa. In-unfollow na kasi ni Andrea si Derek sa social media at wala na rin ang mga sweet photos nila ng aktor.

Maging sa Instagram account ng aktor ay wala na ring mga larawan si Andrea. Wala pang kumpirmasyon mula sa dalawang panig ngunit ayon sa isang “confidential source” ng PEP.ph ay kinumpirma ng isa sa mga taong malapit sa aktres na naghiwalay na nga ang dalawa.

Talaga namang nakakalungkot ang pangyayari na ito dahil sa marami na sa kanilang mga tagasuporta ang napamahal sa kanilang tambalan. Marami na din ang umaasa na mauuwi na sa kasalan ang kanilang matamis na pagmamahal.




error: Content is protected !!