6 na taong gulang na bata, ginamit ang kaniyang “birthday money” upang maibili ng gintong singsing ang kaniyang ina!



Maraming mga bata sa ngayon ang bibili ng pagkain o di kaya naman laruan gamit ang perang ibibigay ng mga nakatatanda sa kanila. Para sa kanila ay hindi pa ganoon kahalaga ang bawat sentimo ng pera kung kaya naman madalas na ibibili nila ito ng bagay na gustong gusto nila.

Photo credit: Sumarnie Edison / Facebook



Mayroon namang ibang iniipon ang perang ito upang kapag napuno na ang kanilang alkansiya ay mabili na nila ang mamahaling gadget o laruan na gusto nila. Ngunit tila kakaiba ang batang ito mula sa Malaysia dahil sa ang nais niya talaga ay mabilhan ng “gold ring” ang kaniyang mahal na ina gamit mismo ang kaniyang “birthday money”!

Napaka-sweet hindi ba? Talaga namang proud mom ang kaniyang ina na si Sumarnie Edison mula sa Kota Kinabalu, Sabah sa Malaysia.

Photo credit: Sumarnie Edison / Facebook



Ibinahagi niya ang kwentong ito sa kaniyang social media account matapos siyang bilhan ng kaniyang anak ng isang singsing. Ayon sa kaniyang kwento ay nagdiwang ng ika-anim na taon niyang kaarawan ang kaniyang anak na si Afiq.


Nagpaalam ito kasama ang kaniyang ama at kapatid na pupunta lamang sa isang barber shop kung kaya naman naiwan na muna siya sa kanilang bahay. Habang naghihintay siyang magupitan ay napansin ng bata ang isang “jewelry shop” sa tapat ng barber shop kung saan sila nagpapagupit.

Photo credit: Sumarnie Edison / Facebook

Dahil sa batid niyang mayroon siyang pera, ninais niyang mabilhan ng munting regalo ang kaniyang ina kahit pa nga hindi niya alam kung magkano talaga ang halaga ng hawak niyang pera. Pinilit ni Afiq ang kaniyang ama na bilhan na nila ng singsing ang kaniyang ina gamit ang kaniyang “birthday money” na nagkakahalaga ng RM5 (halos Php60).

Photo credit: Sumarnie Edison / Facebook

Dahil sa nakita ng ama kung gaano niya kagustong mabilhan ng regalo ang ina kaysa sa kahit ano pa mang laruan ay pumayag na rin ang ama. Sinabi niya sa kaniyang anak na RM300 (Php3,500) lamang ang kanilang nakalaang budget para sa singsing na kaniyang bibilhin at nakapili siya ng singsing na nagkakahalaga ng RM260 (Php3,050).

Talaga namang napaka-sweet ng batang ito sa kaniyang mga magulang!




error: Content is protected !!