Isang “blue clear folder” nagmistulang “swimming pool” sa isang malawak na resort!



Napakarami sa ating mga Pilipino ang talagang mahilig mamamasyal at mamahinga sa gitna ng napakagandang tanawin. Kaya naman patok na patok talaga ang mga resorts, beach, at iba pang uri ng magagandang mga pahingahan.



Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang mamahinga sa isang malawak at napakagandang lugar kung saan maaari mong gawin ang mga bagay na nais mo at makakalanghap ka pa ng sariwang hangin? Talaga namang nakakasabik maranasan ang mga ganitong pakiramdam na tanging nagagawa lamang natin noong wala pang banta ng pandemya sa Pilipinas at sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.

Hindi na nakapagtataka na mapagkamalan ng ilang mga netizens na “swimming pool” ang isang “blue clear folder”! Sadya nga kayang matalas ang mata at isipan natin upang makakita ng ganitong klase ng tanawin sa mga simpleng bagay lamang tulad ng isang folder o talagang miss na miss na nating magsaya at magtampisaw sa tubig kasama ang ating mga mahal sa buhay?






Sa halos walong buwan kasi nating pananatili sa ating mga tahanan at pagsusumikap na umiwas sa nakakahawang sakit na COVID-19, marami sa atin ang mas pinipili na lamang na huwag lumabas ng kanilang mga tahanan dahil sa takot na mahawa at makahawa ng naturang sakit. Ang naturang post ay ibinahagi ng netizen na nakilala bilang si Lowe.


At talagang napakarami sa kaniyang mga kaibigan ang inakalang nagbabakasyon siya sa isang resort. Nang makitang mabuti ng iilan ang naturang larawan ay saka lamang nila napagtanto na clear folder nga ang bagay na ito at hindi isang malawak na “swimming pool”.




“Ok lang ‘yan kapatid. Plastic folder lang ‘yan, alam ko swimming na swimming ka na,” Pahayag ni Lowe sa kaniyang caption.



Narito naman ang naging komento ng mga netizens patungkol sa viral post:

“Hahaha. Akala ko talaga swimming pool sa isang resort, iyon pala blue clear folder lang pala! Nadaya ako ro’n ah,” pahayag ng isang netizen.

“Oo nga no? Galing ng photographer! Tawang-tawa ako hahahaha. Sa biglang tingin, aakalain mong resort. Wow mali!” komento pa ng isa.
“Mind blowing! Hahaha. Kung hindi ko nabasa yung caption, aakalaing swimming pool nga!” turan naman ng isa pa.




error: Content is protected !!