Throwback photos ni Kuya Kim Atienza kasama ang kaniyang anak, kinagigiliwan ngayon ng publiko!



Si Alejandro Ilagan Atienza ay hinangaan ng maraming mga Pilipino bilang si Kim Atienza o si Kuya Kim. Siya ay isang 53 taong gulang na television host, aktor, weather anchor at dating pulitiko.

Credit: @kuyakim_atienza instagram



Siya ang kasalukuyang “resident weather anchor” ng TV Patrol segment na “Weather-Weather Lang”. Hindi lamang siya isang mahusay na weather anchor dahil talagang nakakamangha din ang kaniyang katalinuhang taglay na maihahalintulad pa nga natin kay Ernie Baron na tinagurian ding “The Walking Encyclopedia”.

Credit: @kuyakim_atienza instagram




Kamakailan lamang ay talagang hinangaan ng publiko ang throwback pictures ni Kuya Kim, hindi lamang ng kaniyang kabataan kundi maging ng kaniyang panganay na anak na si Jose Atienza. Talaga namang kapansin-pansin ang pagkakamukha nilang dalawa sa larawang kuha pa noong 1987 sa New York City.



Credit: @kuyakim_atienza instagram


Makisig na makisig at talagang matipuno ang katawan ni Kuya Kim noon pa man. Mayroon din siyang ibinahaging larawan ng kaniyang panganay na anak na sa ngayon ay hindi nila kapiling dahil ito ay kasalukuyang nag-aaral sa Tufts University sa Boston, Massachusetts.



Credit: @kuyakim_atienza instagram



Maraming mga netizens ang naantig sa naging mensahe ni Kuya Kim para sa ika-18 taong kaarawan ng kaniyang panganay na anak. Ayon sa kaniya ay isang pagpapala para sa kanilang mag-asawa ang pagdating ni Jose sa kanilang buhay.

Sadyang napakabilis din ng panahon dahil sa noon ay nadadala pa niya ang anak sa kahit saang lugar niya gustuhin ngunit ngayon ay ganap na itong isang lalaki. Batid din niyang lumaki siyang responsable at disiplinado kung kaya naman masayang masaya siya.

Nalulungkot lamang siya dahil sa namimiss na rin nilang kasama ang kanilang panganay ngunit sinabi din niyang patuloy nila siyang susuportahan hanggang sa makamit niya ang kaniyang mga pangarap. Tunay ngang napakasarap makakita ng isang pamilyang nagmamahalan at nakasentro ang tahanan sa Diyos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)



Si Kuya Kim ay ikinasal sa kaniyang asawang si Felicia Hung noong taong 2002 at biniyayaan sila ng tatlong mga anak, sina Jose III Hung Atienza, Emmanuelle Hung Atienza, at Eliana Hung Atienza.





error: Content is protected !!