Doktor na anak labis na nagpasalamat sa ama dahil sa lahat ng naging tulong nito sa kaniyang maabot ang kaniyang pangarap noong nabubuhay pa siya!



Napakasarap ipagdiwang ang nakamit nating tagumpay kasama ang ating mga mahal sa buhay. Lalo na kung sila din ang nagsilbing lakas at inspirasyon natin upang hindi tayo sumuko hanggang sa maabot natin ang ating pangarap.



Kamakailan lamang ay naging usap usapan sa social media ang nakakaantig na kwento ng isang doktorang ito na hindi sumuko sa kaniyang mga pangarap kahit pa nga pumanaw na ang kaniyang ama bago pa man niya ito natupad. Isang med graduate na nakilala bilang si Ria Duana Roble ang nagbahagi sa social media ng kaniyang pagbabalik-tanaw noon sa mga naging masaya at masasakit na bahagi ng kaniyang buhay.

Nakapasa na kasi siya ng Physician Licensure Examination ngayong Nobyembre ngunit Abril ng taon ding ito ay sumakabilang-buhay na ang kaniyang ama. Ang kaniyang mga magulang ang nagsilbing gabay at sandigan niya habang tinatahak niya ang landas upang maabot ang kaniyang pangarap.




Kung kaya naman kahit pumanaw na ang kaniyang Papa Eddie ay hindi pa rin niya ito nakakalimutan. Palagi niyang binibisita ang puntod ng kaniyang ama na si Eduardo E. Roble at nang sa wakas ay nakapasa na nga siya bilang isang doktor ay nagdasal ito sa kaniyang ama upang ibulong sa Diyos kung gaano siya nagpapasalamat sa biyayang ito sa kaniya.




Pagbabahagi pa niya, kahit noon pang estudyante pa lamang siya ay palagi na niyang sinasabi sa kaniyang mga magulang kung gaano siya kinakabahan sa kaniyang mga exams at kahit nga maagang nawala ang kaniyang ama ay patuloy pa rin siyang magmemensahe sa Facebook account nito kahit hindi na niya ito mababasa pa. May payo rin siya para sa mga taong nawalay na sa kanilang minamahal.



Maaaring naroroon pa rin ang sakit ng pangungulila at pagkawala ng isang mahal sa buhay ngunit palaging mananatili ang masasayang alaala at masasayang mga ngiti ng taong ito sa kanilang buhay. At ito ang pinakamagandang bagay na kanilang magagawa upang makapagpatuloy sila sa kanilang buhay.



Source: Philippine Star




error: Content is protected !!