“Floating garage” ng isang mag-asawa sa Marikina na nagsalba sa kanilang sasakyan sa gitna ng matinding pagbaha!



Napakahirap talagang malagay sa isang sitwasyon na hindi ka handa at talagang hindi mo inaasahan. Marahil ay sariwa pa sa alaala ng maraming mga Pilipino ang naganap na pananalanta ng bagyong Ulysses sa napakaraming mga kabahayan sa mga siyudad at probinsiya ng bansa.

Talaga namang nakakatakot ang napakalakas na hagupit ng hangin kasabay ng malakas na pagbagsak ng ulan. Ang inaakala nating simpleng pagdaan lamang ng isang pangkaraniwang bagyo ay nagdulot ng sakuna at hindi malilimutang karanasan para sa marami sa atin.

Dahil kasi sa bagyong ito ay maraming mga bahay ang nawasak, maraming mga pamilya ang kinailangang lumikas at manatili muna sa mga “evacuation centers”, at marami ring mga kabuhayan ang naapektuhan. Hindi pa kasama ang bilang ng mga taong nasaktan, nasawi at patuloy pa ring hinahanap.


Ang lahat ng ito ay nangyari sa gitna ng pagharap at pakikipaglaban natin sa pandemya. Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang makaranas ng bagyo, maraming beses sa loob ng isang buwan o ng isang taon.

Ngunit sa kabila nito ay madalas pa ring hindi tayo handa sa mga mapinsalang mga bagyo tulad na lamang ng bagyong Ulysses. Kung marami sa atin ang naging kampante na lamang at hindi na nagawa pang maghanda ng mga pangunahin nating pangangailangan, ang mag-asawang ito sa Marikina ay talaga namang nakakabilib dahil sa kanilang “floating garage”.

Naisalba ng mag-asawang ito ang kanilang sasakyan dahil sa kanilang “floatable carport”. Ito ay maihahalintulad sa isang balsa na kusang lumulutang sa tubig. Nakakabit ito sa “high-grade pontoons” sa bandang ilalim.

Upang hindi naman mapunta sa ibang direksyon ang sasakyan ay nakakabit pa sa dalawang “vertical guard rails” ang naturang carport. Ang direksyon nito ay pataas at pababa lamang kung magkakaroon ng matinding pagbaha.

Talaga namang nakakamangha ang disenyong ito. Ikaw, nanaisin mo rin bang magkaroon ng ganitong klase ng garahe sa inyong tahanan?

Source: BusinessInquirer TopGear


Similar Articles

Comments

LATEST POST