Bea Rose Santiago, inamin na limang beses na siyang sumasailalim sa dialysis sa isang linggo!



Tunay nga na hindi natin hawak ang mangyayari sa ating kinabukasan. Maaaring ngayon ay sagana tayo sa mga materyal na bagay ngunit malaki ang posibilidad na sa mga susunod na panahon ay maghihirap na tayo at talagang kakailanganin na nating tipirin ang bawat sentimo na mayroon tayo.

Photo credit: bea.santiago instagram

Marami din naman ang nakakaranas ng kalakasan at magandang pangangatawan nang kanilang kabataan, inabuso ito kung kaya naman nang sila ay nagkaedad ay siningil na rin sila nito. Nakakalungkot isipin na mayroong ilang mga taong nakakaranas nito sa tunay na buhay at hindi lamang sa mga pelikula o programa sa telebisyon.

Tulad na lamang halimbawa ng ibinunyag kamakailan lamang ng sikat na beauty queen title holder at modelo na si Bea Rose Santiago. Labis na nagulat ang kaniyang mga tagahanga na siya pala ay sumasailalim na sa dialysis limang beses sa loob ng isang linggo!

Photo credit: bea.santiago instagram



Ibinahagi ni Bea Rose ang nakakagulat na balitang ito sa kaniya mismong social media account. Minsan na niyang ibinahagi sa publiko na mayroon pala siyang sakit sa “kidney”.


Matitigil lamang ang kaniyang pagda-dialysis kung maisasailalim na siya sa isang “kidney transplant procedure”. Sa ngayon ibinahagi niya rin ang kaniyang kasalukuyang kalagayan kung saan hirap ang kaniyang katawan sa kaniyang “protein intake” at mababa rin ang kaniyang “phosphate” at “hemoglobin”.

Sa ngayon ay iniiwasan niya ang kahit anong pagkain o inumin na mayroong gatas at itlog.

“My Doctors and nutritionist recommended many vegan options but after 2months I am now a pescatarian on the weekends and vegetarian on weekdays. I dont consume cow’s milk and eggs but I do love oats milk and goat’s cheese.” Pagkukwento ni Bea Rose.

Photo credit: bea.santiago instagram

“I need weekly Aranesp and Iron shots to help me since I dialyze 5x a week and each time is 8 hrs while I sleep. Works like magic.I love being plant based and right now Im gonna slowly transition AGAIN! Only problem is IM A LAZY COOK and a dialysis patient.” Dagdag pa niya.

Si Bea Rose Monterde Santiago o mas nakilala natin bilang si Bea Santiago ay isang 30 taong gulang na Filipino-Canadian actress, modelo at beauty queen. Siya ay kinoronahan bilang “Miss International 2013” noong Disyembre 17, 2013.

Bago pa man siya lumahok sa “Binibining Pilipinasay naging “Mutya ng Pilipinas 2011 titleholder” na siya at naging kinatawan ng “Filipino Community” sa Canada.




error: Content is protected !!