Dance craze na “Otso-Otso” at “Spaghetti” na sumikat noon, inalala ng isang netizen!



Tayong mga Pilipino, likas na masayahin at talaga namang positibo sa buhay. Hindi natin maikakaila na sa kabila ng napakaraming mga alalahanin at problema sa buhay ay mas marami tayong rason upang maging masaya at magpatuloy pa sa buhay.



Dahil nga sa likas tayong masayahin ay madalas na hindi natin pinapalampas ang mga sayaw o kantang sumisikat at nagiging patok sa publiko. Marahil marami pa rin sa atin ang nakakaalala sa mga dance craze na “Otso-Otso” at “Spaghetti”.

Ang “Otso-Otso” ay sumikat noong taong 2004. Ang komedyanteng si Bayani Agbayani ang umawit nito.




Hindi batid ng marami nagsimula talaga siya noon sa GMA network bilang isang production staff ng noontime show na “Lunch Date” hanggang sa maging “SST: Salo-Salo Together” ito na pinangtapat din noon sa “Eat Bulaga!” noong nasa ABS-CBN pa ito. Taong 1996 nang lumipat sa ABS-CBN si Bayani kung saan siya mas nakilala at hinangaan bilang isang mahusay na komedyante.




Samantala, ang dance craze naman na “Spaghetti” ay pinasikat ng S*xbomb Girls ng “Eat Bulaga!” taong 2003 hanggang 2004. Kung noon ay mananayaw lamang ang tingin ng maraming mga tao sa kanila, sa ngayon ay matatagumpay na silang mga personalidad.



Mayroong mga naging aktres, owner ng dance studios, entrepreneurs, business woman at marami pang iba. Kamakailan lamang ay inalala ng isang netizen ang mga dance craze na ito noon.



Ang netizen na ito ay nakilala bilang si Kath. Ayon sa kaniyang naging caption: “RIP sa mga kaklase kong nilampaso ko sa Otso-Otso at Spaghetting pababa showdown dati. Hahaha,”

Talaga namang umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang post niyang ito. Hindi na napigilan pa ng mga netizens na ibahagi ang mga personal nilang karanasan sa mga kilalang sayaw at awiting ito na naging bahagi na ng magandang alaala ng marami sa atin kahit pa ilang taon na ang nakakaraan ng ito ay nakilala.




error: Content is protected !!