Herlene Budol a.k.a. “Hipon Girl”, naging emosyonal ng pasalamatan si Kuya Wil sa kaniyang latest vlog!



Tiyak na marami na sa atin ang nakakakilala kay Herlene Budol o mas hinangaan ng publiko bilang si “Hipon Girl”. Siya ay naging bahagi ng programa ni Willie Revillame na “Wowowin” matapos niyang sumali noon sa segment nitong “Willie of Fortune”.



Dahil sa pagiging “charming” at angking kagandahan niya ay inimbitahan siya ni Kuya Wil na maging isa sa kaniyang mga regular host. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa isa sa kaniyang mga vlogs ang kanilang munting tahanan.

Ayon kay Herlene ay ninais na niyang ipakita ang kanilang simpleng tahanan sa publiko upang hindi na kumalat pa ang mga usap-usapang mayroon siyang malaking bahay at magagarang mga sasakyan. Sa pagpasok pa lamang sa kanilang tahanan ay kulay “orange” na agad na gate ang makikita.




Narito na agad ang kanilang munting tindahan at ang traysikel ng kaniyang ama. Munti lang din ang kanilang sala kung saan natutulog at namamahinga ang kaniyang ama.
Mayroon silang maliit na kwarto na mayroong isang “air conditioning unit” para sa kaniyang lola dahil sa hirap na din ito lalo na kapag sobrang init ng panahon. Maging ang kanilang kusina, kainan, palikuran at damitan ay ipinasilip din niya sa kaniyang mga tagasubaybay.

Tunay ngang napakasimple lamang ng kanilang pamumuhay ngunit mababakas mo sa kaniyang mga mata na masaya siya at kuntento sa kaniyang buhay kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay. Maliban sa unang palapag ng kanilang bahay ay mayroon pa din pala itong ikalawang palapag.

Dito madalas mamalagi ang kaniyang ama na nag-aalaga rin ng ilang mga kalapati. Bago matapos ang kaniyang vlog ay nagpasalamat siya kay Kuya Wil dahil sa pagbibigay nito sa kaniya ng tulong na Php20,000 upang maipaayos ang kanilang bubungan na nilipad ng malakas na hangin nang nanalanta ang bagyong Rolly.

Maliban sa perang pampaayos ng kanilang bahay at pambili ng “groceries” ng kaniyang lolo at lola ay hindi rin siya nakalimutang bigyan ni Kuya Wil ng isang brand new tablet para sa kaniyang online class. Tunay nga na hindi na niya napigilan pang maluha dahil sa pagmamalasakit at pagtulong na ginawa sa kaniya ng sikat at batikang host na si Kuya Wil.




error: Content is protected !!