Manny Pacquiao nagbahagi ng isang magandang mensahe kalakip ng larawan ng dalawang batang may suot ng face mask ng kaniya mismong mukha!



Dahil sa pandemyang nararanasan natin sa ngayon, marami sa atin ang kaniya kaniya na nang pamamaraan upang mapanatiling ligtas ang ating sarili mula sa nakakahawang sakit. Marami sa atin ang bumibili ng sarili nilang mga alc0hol, sanitizer, disinfectant, face shields, iba’t-ibang uri ng mga masks at marami pang iba.

Sa kabila ng seryoso at talagang nakakabahalang sitwasyon natin hindi lamang dahil sa pandemya kundi maging dahil na rin sa mga sakuna at kalamidad na ating nararanasan, hindi pa rin nawawala ang pagiging positibo at masayahin ng maraming mga Pilipino. Sa katunayan, samu’t-saring mga face masks na mayroong iba’t-ibang mga ekspresyon ang kumakalat sa ngayon. Isa na marahil dito ang mukha ni Senador Manny Pacquiao.

Image by Manny Pacquiao via Instagram

Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng isang larawan ng dalawang batang nakasuot ng face mask ng kaniya mismong mukha. Sa halip na magulat ay talaga namang nag-iwan pa siya ng napakagandang mensahe para sa mga ito.

Hinikayat ng ating Pambansang Kamao na manalangin ang bawat isa sa atin at sinisigurado niyang magiging makapangyarihan ang mga panalangin na ito dahil sa tayo ay mayroong mapagmahal at maawaing Diyos. Ibinahagi din niyang sisikapin niyang tumulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang bagyo.



Image by Manny Pacquiao via Instagram


Abala si Senador Manny ngayon sa paglikom ng mga pondo na magagamit para sa kanilang “relief operations” sa mga taong labis na napinsala ng malakas na bagyo at matinding pagbaha. Sa ngayon ay naging “brand ambassador” na siya ng dalawang malalaking brand sa bansa.

Una na ang “Mobile Legends Philippines” at ang “Globe Telecom”. Sa halip na ilagay sa negosyo o ilaan para sa kaniyang personal na pangangailangan ang kaniyang kikitain dito ay balak niya itong ibigay lahat sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo!

Image by Manny Pacquiao via Instagram

“Proud and grateful to be chosen as Globe’s newest ambassador. The endorsement fee will be donated to the victims of Typhoon Ulysses. May God bless everyone.” Pahayag ni Senador Manny.




error: Content is protected !!