Melissa Ricks pinamangha ang publiko dahil sa kaniyang mas payat na pangangatawan sa ngayon!



Marami sa atin ang talagang “guilty” nitong mga nagdaang buwan dahil sa kabila ng pandemya ay tila mas marami sa atin ang bumigat ang timbang. Marahil ay dahil nasa loob lamang tayo ng ating mga tahanan, hindi tayo naging masyadong aktibo lalo na sa pagdating sa pag-eehersisyo.

Photo credits: Melissa Ricks instagram

At mas nagkaroon tayo ng panahon upang kumain ng masasarap na mga pagkain at mamahinga ng mas mahabang oras kaysa dati. Dahil nga dito ay mas marami na sa atin ang nadagdagan ng husto ang timbang.

Maging ang mga sikat na personalidad ay hindi rin nakaligtas dito. Ngunit hindi lamang ang labis na pagkain ang dahilan kung kaya tayo nadadagdagan ng timbang.

Photo credits: Melissa Ricks instagram



Mayroong ilang mga pangyayari kung saan ang isang babae ay mayroong sakit kung saan kahit ano ang kaniyang gawin at kainin ay talagang madaragdagan at madaragdagan pa rin ang kaniyang timbang. Ang iba naman ay nadagdagan ng timbang dahil sa kanilang naging pagbubuntis o panganganak.


Kamakailan lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa naging bagong transpormasyon ni Melissa. Kapansin-pansin kasi ang napalaking pagbabago sa kaniyang timbang.

Ayon sa naging latest post niya sa kaniyang social media account ay nakapagbawa na siya kaagad ng 20 lbs sa loob lamang ng dalawang buwan! At talaga namang mas gumanda pa ang celebrity mom dahil sa pagbabago na ito.

Photo credits: Melissa Ricks instagram

Maliban sa pagkain ng wasto at pag-eehersisyo ay mayroon din siyang iniinom na talagang nakakatulong sa pagbabawas niya ng timbang. Napakarami namang mga netizens ang talagang namangha sa nagawang ito ni Melissa.

Marami sa kanila ang nagnanais ding magbawas ng timbang dahil kung nakaya raw ng aktres ay tiyak na makakaya din nila. Marahil marami sa atin ang tila nakalimot na alagaan ang ating pangangatawan at kalusugan ngunit hindi pa huli ang lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09)

Maaari pa rin tayong maging malusog at malakas habang kumakain ng mga paborito nating pagkain. Kailangan lamang natin ng tamang disiplina at determinasyon upang magtagumpay.




error: Content is protected !!