Mister, “nakitulog” sa kaniyang kabit ng isang linggo kahit kakasal pa lamang nila ng kaniyang misis!



Malimit na nating naririnig mula sa ating mga magulang at mula sa mga nakatatanda na ang pag-aasawa ay hindi parang isang kaning mainit na pagkatapos mong mapaso ay maaari mo na lamang iluwa agad agad. Kamakailan lamang ay galit na galit na dumulog sa popular na programa ni Raffy Tulfo na “Wanted Sa Radyo” si Mona Pilapil.

Ito ay dahil sa kaniyang mister na nagdulot sa kaniya ng labis na sama ng loob. Kung kailan kasi sila ikinasal ay saka naman ito nagloko at nambabae!

Ilang linggo pa lamang kasi matapos nilang ikasal ay natuklasan ni mOna na nakitulog pa ang kaniyang mister na si Benjie Pilapil sa bahay ng kabit nito! Ayon sa kwento ng misis ay nagpaalam sa kaniya ang kaniyang mister na makikituloy muna sa isa sa kaniyang mga katrabaho dahil sa mahirap ang pampublikong transportasyon dahil sa pagpapatupad ng “enhanced community quarantine” ng mga panahong iyon.
Pumayag naman si Mona para na rin sa kaligtasan ng kaniyang asawa. Ngunit hindi niya akalain na ang katrabahong tinutukoy ng kaniyang asawa ay siya rin palang kabit nito.



Talaga namang gumuho ang mundo ni Mona at hindi niya akalaing magagawa ito sa kaniya ng kaniyang mister. Walang pag-aatubiling idinulog niya ito sa programa ni Raffy Tulfo.


Hindi naman nagdalawang-isip si Raffy na tulungan ang misis na makasuhan ang mister dahil sa ginawa nitong pagtataksil sa kaniyang asawa. Kahit pa huling huli na ay pilit pa ring itinatanggi ng kaniyang mister at ng kabit nito ang kanilang pagtataksil.

Sa kabilang banda ay talagang nangalap ng ebidensiya si Mona laban sa kanilang dalawa. Sinubukan man niyang ayusin ang kanilang pagsasama dahil sa naging masaya rin naman sila ng anim na taon ng kaniyang asawa bago pa man sila ikinasal ngunit talagang nagbago na ang kaniyang mister at ni hindi nga nito nagawang humingi ng tawad sa kaniya sa kaniyang nagawang kasalanan.




error: Content is protected !!