Bagong pasang doktor inalala ang kaniyang pumanaw na ama na siyang sumuporta sa kaniya bago pa man siya maging isang ganap na doktora!



Tiyak na maraming mga magulang ang magpapatunay na sila talaga ang number 1 fan ng kanilang mga anak. Kahit pa nagsisimula pa lamang silang abutin ang kanilang mga pangarap, ang mga magulang na ang unang naniniwala at nagtitiwala sa kakayanan ng kanilang mga anak.

Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam na makita ang iyong anak na unti-unting nakakamit ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Ngunit nakakalungkot talagang isipin na mayroong ilang mga anak na bago pa man matupad ang kanilang mga pangarap ay kinakailangan nang magpaalam sa kaniyang mga magulang.

Tulad na lamang ng kakapasa pa lamang na doktor na nakilala bilang si Ria Duana Roble. Ayon sa naging pagbabahagi niya sa social media, napakapalad niyang makasama ang kaniyang ama sa mga huling sandali nito.


Nagawa pa niyang asikasuhin ito at iparamdam kung gaano niya ito kamahal. Nang mga panahon kasing iyon ay kasalukuyang ipinapatupad ang “Enhanced Community Quarantine” o ECQ sa maraming mga lugar sa bansa kung kaya naman hindi makauwi ang kaniyang mga kapatid.



Sa pamamagitan na lamang ng “video call” sila nakapagpaalam sa kanilang pumanaw na ama. Kahit pa nga nahirapan ang kaniyang ama sa naging malubhang karamdaman nito ay nanatiling matatag ang kaniyang pananampalataya sa Diyos at talagang nagbigay ito ng lakas at inspirasyon sa buo nilang pamilya.


Siya ay nakapagtapos sa Xavier University – Dr. Jose P. Rizal School of Medicine sa Cagayan de Oro City at naging “intern” din siya ng “Southern Philippines Medical Center” sa Davao City. Pumanaw ang kaniyang ama bago pa man siya maging isang ganap na doktor, hindi naman nakalimutan ni Ria ang napakaraming mga aral nito na itinuro sa kaniya at ang matinding suportang ipinaramdam ng kaniyang mga magulang lalo na ng kaniyang ama para sa kaniya.

Ayon sa nakakaantig na pahayag niya ay ganapa na siyang doktor sa ngayon, humingi siya ng patawad sa kaniyang ama dahil sa hindi na nito nasilayan ang pagiging doktor niya ngunit nangako naman ito na ipagpapatuloy niya ang laban para sa kaniyang pamilya at lalo na para sa kaniyang pinakamamahal na ama.




error: Content is protected !!