Senador Manny Pacquiao, palihim na inabutan ng pera ang isang pulis na gusto lang namang magpakuha ng larawan sa kaniyangh idolo!



Aminin man natin o hindi, talagang nakakakilig at nakakatuwang makita ang ating mga idolo sa atin mismong harapan. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami sa atin ang talagang sisikapin na magpakuha ng larawan kasama sila.

Photo credit: PCpl Carlo Romero / Facebook

Tulad na lamang ang isang pulis na ito na noon pa man ay iniidolo na ang Legendary boxer at pulitiko na ngayong si Sen. Manny Pacquiao. Ayon kay PCpl Carlo Romero, talagang noon pa man ay iniidolo na niya ang Pambansang Kamao kung kaya naman nang magkaroon ng pagkakataong makapagpakuha siya ng larawan kasama siya ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

Naganap ito noong ika-27 ng Nobyembre anng magkaroon ng isang event sa Dasmariñas, Cavite. Nagpamahagi si Senador Manny Pacquiao ng pera sa mga taong dumalo sa naturang event ayon sa pulis.

Photo credit: PCpl Carlo Romero / Facebook



Nang inabutan siya ng pera ng kaniyang idolo ay lahat ng perang hawak nito sa kaniyang kamay ay ibinigay sa kaniya. Labis siyang nagulat at talagang ayaw pa niyang tanggapin ito noong una ngunit tila wala na siyang ibang magagawa kundi tanggapin na lamang ito.


Sa halip na sarilinin at gastahin ang pera sa ibang mga bagay ay inilaan na lamang niya ito para sa mga taong mas nangangailangan. Hindi na isinaad pa ng pulis kung magkano talaga ang halagang ibinigay ng senador ngunit batid niyang mas marami pang naghihirap at nangangailangan sa ngayon kung kaya naman ipinangbili niya ito ng ilang mga de lata, noodles, kape at ilang kilong bigas.

Photo credit: PCpl Carlo Romero / Facebook

Nais niyang makatulong at makarating ang perang ito sa mga mas nangangailangan. Laking pasasalamat niya sa ginawang ito ni Senador Pacquiao dahil naging kasangkapan pa siya upang makapaghatid ng biyaya sa ilang mga tao.

“Ang nais ko lang po talaga ay magpakuha ng picture kasama kayo, hindi ko po inaasahan na ibibigay nyo ang ganun halaga sa akin,” Pahayag ni PCpl Carlo Romero.’

Photo credit: PCpl Carlo Romero / Facebook

“Kaya eto po, bilang pasasalamat po sa inyo ay ibinili na rin po namin ang halagang inyong ibinigay ng mga bigas, de lata, kape at noodles upang maipamahagi po sa mga mahihirap nating kababayan, alam ko po mas marami pa po ang lubos na nangangailangan nito kesa po sa amin.” Dagdag pa niya.

Source: Facebook




error: Content is protected !!