“Wanted” o “missing person” ang kinahinatnan ng “birthday girl” na ito matapos siyang batiin ng kaniyang kaibigan sa kakaibang paraan!



Napakasarap magkaroon ng isang tunay na kaibigan. Isang taong makakaramay mo sa gitna ng mga pagsubok at lalo na sa iyong mga tagumpay.

Maaaring hindi kayo magkadugo ngunit nagkakaroon kayo ng matibay at matatag na relasyon sa isa’t-isa dahil sa inyong pagkakaibigan. Hindi lahat ng tao ay nabibiyaan ng isang mabuting kaibigan kung kaya naman kapag mayroon ka na nito, siguraduhin mong papahalagahan at iingatan mo siya.



Sabi ng ilang mga indibidwal, hindi lang naman mag-asawa o magnobyo ang naghihiwalay, maging ang mga magkakaibigan na tila nagkalimutan na ay nagkakahiwalay din. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang nakakatuwang pagbati ng netizen na ito sa kaniyang matalik na kaibigan. “A for effort!” naman talaga ng masasambit mo dahil sa nag-print pa ito ng maraming mga larawan ng kaniyang matalik na kaibigang si Restie Camahalan. Ang netizen ay nakilala bilang si Ar-j Sta Maria.



“Happy Happy Birthday Bebe Mk sabi ko naman sayo sobrang proud ako na kaibigan kita at gusto ko malaman ng buong zamboanga city na birthday mo ngayon,” Pagbati ni Ar-j sa kaniyang kaibigang si Restie.
Hindi lamang ito pina-print ni Ar-j dahil sa ikinalat pa talaga niya ito sa iba’t-ibang bahagi ng Zamboanga City. Makikita ang kaniyang pagbati sa ilang mga poste, pader, bahay at sa marami pang mga lugar.


Talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizens ang ginawang ito ni Ar-j para sa kaniyang kaibigan. Tiyak na maiinis sa umpisa si Restie ngunit mapapahalakhak ito dahil sa ginawang “effort” ng kaniyang matalik na kaibigan.

Kung mayroong iilan sa atin na nakakalimutan pa nga ang petsa ng kaarawan ng kanilang mga kaibigan, ibahin mo ang pagkakaibigan nina Ar-j at Restie! Tunay nga na hindi mo na kakailanganin pa ng napakaraming mga kaibigan kung ang lahat naman ng ito ay walang ibang nais kundi ang makita kang naghihirapa at bumabagsak.

Mas masarap nang magkaroon ng mangilan-ngilang kaibigan na alam mong totoo at tunay ang pagmamalasakit sa iyo.




error: Content is protected !!