“Bawas muna mag-inom, tapos sleep well” pahayag ni PNP Chief Sinas patungkol sa pagbabawas niya ng timbang!



Mainit na usap-usapan ngayon ng publiko ang naging pagbabawas diumano ng timbang ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas na nasa halos 20 kilo na ang nababawas sa kaniyang timbang. Ayon sa PNP Chief, istrikto ngayon ang kaniyang dyeta sa pagkain at talagang sinisikap niyang mag-eehersisyo araw-araw.

Kumonsulta din muna siya sa isang “Physician” upang makapagbawas na siya ng timbang. Hinihikayat niya ng publiko na mag-ehersisyo din at kumain ng masusustansiyang pagkain.

“That’s almost four months program. ‘Di ba nag-umpisa ako, I consulted the doctor. I have my medical checkup, ginuide po ako kung papaano po… strict diet, healthy living, bawas muna ang mag-inom, tapos sleep well.” Pahayag pa niya.

Nito lamang Nobyembre nang pinag-utos niya ang muling pagpapatupad ng Body Mass Index (BMI) monitoring para sa kapulisan upang tuluyan nang mawala ang “obesity” o labis na timbang sa mga pulis ng bansa. Una na kasing napahinto ang monitoring na ito dahil na rin sa pandemya.



“Obesity causes diabetes, heart d!sease which are comorbidities for COVID-19… Puwedeng mataba, huwag lang masyado kasi alam niyo, for the last nine months because of the pandemic, parang konti na lang nag-e-exercise at gumagalaw,” Pahayag ni PNP Chief Sinas.


Ayon sa ilang mga ulat ay mayroon nang higit sa 30 mga pulis ang hindi nakapasa sa fitness at BMI tests sa Campo Crame.

Tunay nga na para sa iilan, hindi na mahalaga pa ang pagkain ng masusustansiyang mga pagkain at pag-eehersisyo sa araw-araw. Ngunit para sa mga kapulisan, dapat nilang maging magandang ehemplo para sa mga Pilipino.

Kung kaya naman hindi magandang nakikita na maraming mga pulis ang talagang “obese” at mayroong malalaking mga tiyan na hindi naman nakakatulong kung sila ay hahabol ng mga masasamang loob o mga cr!minal. Umani naman ito ng sari-saring mga komento at reaksyon sa publiko.

Source: GMA News




error: Content is protected !!