Isang doktor na mayroong bipolar 2, matagumpay na nakapasa sa Physician Licensure Exam!



Mayroon tayong kaniya-kaniya nating problema at dalahin sa buhay. Mayroon tayong sarili nating pamamaraan at desisyon upang maresolba natin ang mga problemang ito.

Ngunit hindi lahat tayo ay mayroong kakayanan na mapagtagumpayan ang mahirap na yugtong ito ng ating buhay. Sa oras naman na mapagtagumpayan na natin ito ay talagang napakasarap sa pakiramdam at hindi kailan man mailalarawan ng mga salita ang ating tunay na nararamdaman.

Imahe mula sa Facebook post ni Alberto Antonio, Jr.

Tulad na lamang ng isang doktor na ito na mayroon palang karamdaman na “bipolar 2”. Hindi ito biro dahil sa mayroon itong kinalaman sa mental na kalagayan ng isang tao.

Ayon sa Facebook post ni Alberto Antonio, Jr. hindi naging madali ang pagsubok na kaniyang pinagdaanan ngunit talagang sinikap niyang malampasan ito hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi maging para sa kaniyang mga kaibigan at lalo na para sa kaniyang ina. Mahirap ang paghahanda para sa kaniyang licensure exam at ang pagpapagamot niya sa kaniyang karamdaman.



“As I lay there in the hospital bed, all drugged up, I was so sure I would not continue anymore, that taking care of myself was paramount,” Pagbabahagi niya.


Dagdag pa niya, ang depresyon daw ay isang manlilinlang at magnanakaw. Ito ay dahil sa katotohanang maaaring malinlang ang isang tao na ang reyalidad ay tanging paghihirap at walang halaga.

Tahimik din nitong ninakaw ang diwa at lakas ng isang tao kung kaya naman madalas ay ninanais na lamang ng mga itong mag-isa at magkulong malayo sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanila. Lumabas at tuluyan na siyang na-discharge sa ospital ilang araw bago ang kanilang exam at talaga namang nawawalan na siya ng pag-asa dahil sa kaniyang kalagayan.

Imahe mula sa Facebook post ni Alberto Antonio, Jr.

Ngunit para sa mga taong naniniwala sa kaniya at sumusuporta ay talagang sinikap niya ang lahat upang makapag-aral at makapasa sa PLE nila. At ngayon nga ay isa na siyang ganap na doktor na nagnanais makatulong sa mga katulad niyang hindi perpekto ngunit sa kadahilanan mismong ito siya magsusumikap siya ng husto na matulungan ang kaniyang mga pasyente ng buong puso sa abot ng kaniyang makakaya.




error: Content is protected !!