Batang excited sa kaniyang inorder na bag, sobrang naging emosyonal nang dumating ang kaniyang order!



“Online shopping” isa sa pinakamadaling paraan upang mabili natin ang ating mga pangangailangan sa bahay tulad na lamang halimbawa ng pagkain, kasangkapan, sapatos, bag at marami pang iba. Nitong nagdaang mga buwan, dahil na rin sa pandemya ay mas maraming mga tao ang talagang gumamit ng mga “online shopping platforms” na ito.

Hindi na kasi kailangan pang lumabas ng ating mga tahanan, i-dedeliver pa agad sa mismong bahay natin o opisina ang produktong inorder natin. Maging ang paraan ng pagbabayad ay napaka-kombinyente din, maaaring magbayad online o di kaya naman ay “cash-on-delivery”.

Napakaraming benepisyo sa atin ng pamimili nating ito “online”. Ngunit mayroon din namang mga hindi magagandang bagay ang nararanasan natin dahil dito.



Tulad na lamang halimbawa ng maling mga produkto o di kaya naman ay mga depektibong items na natatanggap natin. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang cute na batang babae na ito na talaga namang naka-pose pa ng husto yakap ang kaniyang pinakahihintay na order.


Ito ay kuha ng netizen na nakilala sa pangalang “hsiao laiza”. Sa ikalawang larawan naman ng bata ay makikita kung gaano siya nadismaya sa bag na kaniyang natanggap.
Napakalayo sa “Hello Kitty” bag na pinakahihintay niya. Sa sumunod na larawan ay talagang hindi na napigilan pa ng batang maging emosyonal ng husto na tila ba nais niyang sumigaw at humiyaw sa sobrang galit.

Marahil ay ganoon na lamang talaga ang kaniyang pagkadismaya nang makitang hindi tama ang natanggap niyang bag. Kitang-kita naman sa isa pang larawan ang Hello Kitty bag na YESUN ang inorder ng ina ng bata na nagkakahalaga ng Php79 ngunit isang kulay “dark gray” na bag ang kaniyang natanggap.

Kahit sino naman talaga ang makatanggap nito ay talagang madidismaya rin lalo na kung naging napakatagal ng kaniyang paghihintay sa kaniyang pinaka-aasam-asam na bag. Maraming mga netizens ang naki-simpatya sa bata at sinabing maging sila ay nakaranas din ng ganito.

Mayroong iilan na nakatanggap ng bato habang ang iba naman ay parehong kaliwang pares ng sapatos o tsinelas ang natanggap. Dahil sa mga ganitong pangyayari ay mas dapat tayong mag-ingat at maging alisto sa mga produktong ating binibili lalo na kung “online”.




error: Content is protected !!