Isang “Food delivery rider” nabiktima ng isang nagpanggap na customer na umorder ng maraming mga pagkain gamit ang pekeng pangalan at tirahan!



Marami sa atin ang talagang nakaranas ng hindi magandang pangyayari buhat nang magsimula ang taong 2020. Mayroong mga sakuna, kalamidad, at pandemyang naganap ngunit talagang sinisikap pa rin nating maging matatag at positibo sa buhay.

Kung mayroon mang naidulot na maganda ang pandemyang ito, yun ay nabigyan tayo ng mas maraming pagkakataon upang makasama ang ating mga mahal sa buhay. Mas nagkaroon tayo ng pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon tayo lalo na ang ating mga hanap-buhay.

Isa nga sa naging patok na hanap-buhay ay ang pagiging isang “Food delivery rider”. Dahil sa hindi makalabas at hindi makaalis ng kanilang mga tahanan ang marami sa atin, mas marami ang nagnanais na umorder na lamang o magpadeliver ng mga pagkain sa kanila mismong mga tahanan.

Ngunit nakakalungkot lamang isipin na mayroon pa ring mga tao ang nagkakaroon ng pagnanais na lokohin ang kanilang kapwa na wala namang ibang ginagawa kundi ang maghanap-buhay lamang ng maayos para sa kanilang pamilya. Kamakailan lamang ay kumalat ang mga artikulo patungkol sa mga “Food delivery rider” na nabibiktima ng mga taong nagpapanggap bilang kanilang mga kostumer at saka sila bibili ng napakaraming mga pagkain.




Kapag naorder na nila at ihahatid na sa tahanan ng taong umorder ay basta na lamang maglalaho at hindi na makontak pa ang taong umorder ng napakaraming pagkain na ito. Talaga namang nakakaawa ang sinapit ng “Food delivery rider” na ito na umabot sa halagang Php5,800 ang halaga ng mga pagkaing kaniyang binili para sana sa kaniyang customer na bigla na lamang naglaho na parang bula.


Ang food delivery rider na ito ng Food Panda ay walang iba kundi si Bernard Enriquez. Hinanap niya ang kaniyang kostumer na nagpakilala bilang si Jane Castro na nakatira sa isang apartment ngunit ayon sa mga nakatira dito ay walang Jane Castro na nakatira sa kanilang lugar.


Talaga namang hindi na napigilan pa ng maraming mga netizens ang magkomento at magpahayag ng kanilang tunay na reaksyon patungkol dito. Sa ngayon ay nanghihingi ng tulong si Bernard sa kaniyang mga kaibigan upang kahit papaano ay maibalik ang kaniyang ipinaluwal na pera.




error: Content is protected !!