Categories: Viral

Isang babae nagulantang matapos makita ang ulo ng isang manika na nakabaon mismo sa sementong pader ng bagong bili nilang bahay!

Ang makapagpundar ng sarili mong bahay at lupa ang isa sa pangarap nang marami sa atin lalo na sa panahon ngayon na bawat taon ay tumataas ang presyo ng lupa sa probinsiya man o sa siyudad. Mas lalo tuloy tayong nahihirapan na pursigihin ang pagpapatayo ng tirahan na masasabi nating sa atin talaga.

Photo credit: Miss Jellinsky (Twitter @missjellinsky)

Maliban kasi sa maliit ang sweldo dito sa Pilipinas ay napakamahal na rin ng mga pangunahing bilihin at mga gastusin. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng isang ginang ang labis niyang kagalakan dahil sa wakas ay nakabili na rin siya ng isang maayos na bahay at lupa.

Ayon sa netizen na si Miss Jellinsky (Twitter @missjellinsky), kakabili lamang ng kaniyang kapatid ng isang bahay ngunit talagang nagulantang silang lahat nang makakita ito ng isang ulo ng manika na tila ba sinadyang ibaon at ilibing sa sementong pader na matatagpuan mismo sa bahay na iyon. Habang nagliligpit at naglilinis ang kaniyang kapatid ay hindi nito inaasahang makakakita siya ng ulo ng manika sa pader ng kanilang “basement”.

Photo credit: Miss Jellinsky (Twitter @missjellinsky)

Maliit man ang nakita niyang ulo ng manika ay talagang nagdulot pa rin ito ng matinding takot at pagkabahala sa kaniya dahil na rin sa maraming mga nakakatakot na pelikula ngayon na mayroong mga manikang tulad ng nakabaon sa kanilang pader. Pinayuhan naman ni Miss Jellinsky na maghanap na lamang ng bagong bahay ang kaniyang kapatid ngunit talagang gustong-gusto ito ng kaniyang kapatid.

Maliban na lamang sa “basement” kung saan makikita ng ulo ng nakakatakot na manika. Maraming mga netizens ang nagsasabing maaaring “prank” lamang ito ng mga naunang may-ari ng bahay habang ang iba naman ay talagang nagsasabing dapat nang lumipat ng bagong bahay ang babae na nagmamay-ari nito ngayon para na rin sa kaniyang ikatatahimik.

Photo credit: Miss Jellinsky (Twitter @missjellinsky)

Tunay ngang napakaraming mga misteryo at kababalaghan ang bumabalot sa ating paligid, marami sa atin ang naniniwala habang mayroon din namang hindi talaga naniniwala hanggang sa hindi nila nararanasan ng personal ang mga nakakapanindig-balahibong karanasan na ito.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago