Aktor na si Derek Ramsay nakikipagmabutihan na nga ba sa ngayon sa fitness model na si Aya Tubillo matapos makipaghiwalay kay Andrea Torres?



Kinakiligan ng marami ang tambalang Derek Ramsay at Andrea Torres. Kalaunan ay nauwi rin sa seryosong relasyon ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Halos isang taon ring naging magkasintahan ang dalawa bago sila maghiwalay. Talaga namang nagulat ang marami at nalungkot dahil sa inakala ng lahat na sa kasalan na talaga mauuwi ang kanilang pag-iibigan.

Sa katunayan ay mayroon pa ngang sariling YouTube channel ang dalawa na “AnDrek Vlogs. Kung kaya naman talagang inasahan na ng marami ang kanilang mas matatag na pagsasamahan.



Ngunit nauwi man sa hiwalayan ang dalawa ay nananatili pa rin silang nakasuporta para sa isa’t-isa. Makalipas pa ang ilang mga araw ay kinumpirma na nila ang kanilang hiwalayan at humiling na igalang na lamang ang kanilang sitwasyon at huwag nang itanong mo ang rason ng kanilang paghihiwalayan.



Nang mainit pa ang usapin sa paghihiwalayan ng dalawa ay maraming mga netizens ang sumisisi sa aktres na si Andrea sa naging paghihiwalay nila. Ngunit agad naman siyang ipinagtanggol ni Derek at sinabing isa siyang mabuting babae.

Kamakailan lamang ay marami ang nakapansin sa ibinahaging larawang ng fitness model na si Aya Tubillo na kung saan makikitang magkasama sila ng aktor at tila malapit sila talaga sa isa’t-isa. Dito na nga nagsimula ang espekulasyon na siya talaga ang dahilan ng naging hiwalayan ng dating magkasintahan.

Hanggang sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay Derek o Aya ngunit talagang marami ang naaawa sa kalagayan ngayon ni Andrea lalo na at batid naman ng publiko kung gaano niya kamahal ang dating kasintahan. Tunay nga na wala talagang permanente sa mundong ito.

Kahit pa inakala natin nang umpisa na panghabang-buhay na ang isang relasyon, hindi rin pala ito magiging totoo para sa iilan. Kung kaya naman hanggang mayroon pa tayong pagkakataon, hindi natin ito dapat sayangin.

Upang mangyari man ang hindi natin inaasahang mangyari ay wala tayong pagsisihan sa bandang huli.




error: Content is protected !!