Aktres na si Melissa Ricks nakakamangha ang naging transpormasyon mula nang magsimula siya sa kaniyang “weight l0ss journey” noong Agosto!



Mahirap maging isang babae. Madalas nating naririnig ang mga katagang ito sa araw-araw.

Photo credit: Melaricks09 instagram

Tunay ngang mula sa pagkadalaga, hanggang sa pag-aasawa, pagbubuntis, at panganganak ay ramdam na ramdam ng mga kababaihan ang hirap hindi lamang pisikal kundi maging emosyonal na din. Kadalasan ding nagbabago ang pisikal na anyo at pangangatawan ng mga kababaihan na nagiging ganap nang ina.

Photo credit: Melaricks09 instagram

Halimbawa na lamang ang aktres na si Melissa Ricks. Siya ay 30 taong gulang na, kahit pa nga medyo nadagdagan ang kaniyang timbang buhat nang siya ay manganak ay hindi pa rin maikakala ang angkin niyang kagandahan.



Marami ang humanga at bumilib sa kaniya dahil sa pambihira niyang pagganap sa kaniyang mga karakter noon, bida man o kontra-bida roles. Nito lamang Agosto 2020 ay nasorpresa ang publiko nang isapubliko nina Melissa Ricks at Michael Macatangay ang kanilang engagement.


Photo credit: Melaricks09 instagram

Maaalalang nagkaroon ng relasyon ang aktres kay Charles Togezaki kung saan biniyayaan sila ng isang anak na ngayon ay limang taong gulang na si Kiera. Hindi man naging matagumpay ang una niyang relasyon ay talagang napakapalad pa rin niya upang magkaroon ng isa pang pagkakataon na umibig muli.

Ilang araw lamang makalipas ang kaniyang naging engagement ay nagsimula na rin pala sa kaniyang “weight **** journey” ang aktres. Marami ang bumilib sa aktres dahil sa nagawa na niyang makapagbawas ng timbang agad agad at talagang makikita ang pambihirang transpormasyon sa kaniyang pangangatawan mula Agosto hanggang Disyembre 2020.

Photo credit: Melaricks09 instagram

Sinong mag-aakala na sa loob lamang ng halos apat na buwan ay magbabalik ang kaniyang pangangatawan noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya?

Photo credit: Melaricks09 instagram

“August vs December. I never thought I’d lose the weight anymore, till I found something that helped me, along with proper diet and a secret I’ll reveal soon!!” Pahayag ni Melissa sa kaniyang post kung saan nagbahagi din siya ng dalawang larawan na kuha noong Agosto at Disyembre 2020.




error: Content is protected !!