Sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi, ayaw nang sobrang gwapong lalaki dahil sa ayaw na ayaw niya ang mayroong kaagaw sa kaniyang minamahal!



Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na si Ivana Alawi ay 23 taong gulang na Filipino-Moroccan actress, model, YouTuber at singer. Isa siya sa pinakasikat na personalidad ngayon sa social media dahil sa napakaganda at napakaseksi nitong pangangatawan.

Image by Ivana Alawi via Facebook

Likas din siyang matulungin at mapagmahal sa kaniyang pamilya kung kaya naman mabilis siyang minahal ng maraming mga Pilipino. Kapansin-pansin din sa kaniyang mga vlogs na wala siyang karate-arte sa kaniyang katawan kahit pa nga siya ay sikat na at maraming pera.

Hindi rin kasi biro ang ari-arian at kayamanan na ipinamana sa kaniya ng kaniyang ama. Sa isa sa mga ginawa niyang vlog kasama ang isa pang kilalang vlogger na si Mimiyuuuh ay ibinunyag niya na nga ang mga katangian na gusto at ayaw niya sa isang lalaki.

Image by Ivana Alawi via Facebook



Sa vlog nilang ito ay patungo sila sa Tagaytay at talaga namang nakasuot ng napakagandang damit ang dalawa lulan ng isang magarang eroplano. “Sosyal Trip To Tagaytay” ang pamagat ng kanilang video collaboration. Nang makarating na sila sa Tagaytay ay agad silang kumain ng tanghalian.


Dito na rin sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng masinsinan. Agad na tinanong ni Mimiyuuuh si Ivana kung anu-ano nga ba ang mga katangiang gusto niya sa isang lalaki.

Image by Ivana Alawi via Facebook

Buong tapat naman itong sinagot ni Ivana at sinabing gusto niya talaga sa isang lalaki ay “family oriented”. Ayaw na ayaw niya daw ng manloloko, sobrang gwapo at mapagsamantala sa ibang tao.

Ayaw niya rind aw ng maraming kasinungalingan sa isang relasyon dahil ang nais niya ay palaging may panahon para sa kaniya ang magiging kasintahan niya sa hinaharap. Ang kaniyang dahilan kung bakit ayaw niya sa isang lalaki ng sobrang gwapo ay dahil sa ayaw niyang mayroong kahati o kaagaw sa kaniyang minamahal.

Maaalalang napabalita noon ang isang mayamang lalaking ninais maka-date si Ivana at ipapasundo pa diumano siya ng lalaki sa isang “private jet”. Sa halip na humanga ay talagang nainis at nagalit si Ivana, dahilan upang hindi niya tanggapin kahit ang pagkakaibigan na iniaalok ng naturang lalaki.

Source: Youtube




error: Content is protected !!