Nobyo hindi nagpaapekto sa pagiging matagumpay ng kaniyang kasintahan, bagkus ay mas nagsumikap siya sa buhay upang maging matagumpay din para sa kanilang kinabukasan!



Narinig na ba ninyo ang ugali na “crab mentality”? Ito kasi ay hindi kaaya-ayang ugali kung saan tila ba naghihilahan ang bawat isa kung ang isa sa kanila ay umaangat na.

Photo credit: Eugene Ng / Facebook

Akala natin ay mga talangka lamang talaga ang gumagawa nito sa tunay na buhay ngunit hindi natin napapansin na maging tayo at ang mga tao sa ating paligid ay madalas na nagiging talangka na rin. Madalas kasi ay ayaw na ayaw nating nakikita na nagtatagumpay o umaangat sa buhay ang ating kapwa.

Photo credit: Eugene Ng / Facebook

Mas nanaisin pa natin na mabigo sila sa kanilang binabalak o di kaya naman ay tuluyang sumuko sa kung ano man ang nais nilang makamit sa buhay, sa paraang ito ay tila mas nagiging masaya pa tayo. MALI! Maling mali talaga ang ganitong kaisipan lalo na sa isang pamilya, sa pakikipagkaibigan o kahit pa pagdating sa ating mga kasintahan o asawa.



Photo credit: Eugene Ng / Facebook


Buti na lamang ay mayroon pa ring iilan na hindi ganito mag-isip. Halimbawa na lamang ang lalaki na ito mula sa Malaysia. Siya ay si Eugene Ng na mula sa Klang, Malaysia.

Nagsilbi siyang inpirasyon sa maraming mga netizens na nakabasa ng kanilang pambihirang kwento ng kaniyang nobya na si Teh Yin Yin. Siyam na taon na rin silang magkasintahan. Sa tagal ng panahon na iyon ay aminado naman si Eugene na naging tamad siya, isip-bata at tila ba walang pakialam sa magiging kinabukasan niya, ng kanilang relasyon at ng kanilang kinabukusan.

Photo credit: Eugene Ng / Facebook

Dumating pa nga sa punto ng kaniyang buhay na si Yin Yin ay nagkaroon ng isang magandang trabaho, sa kaniyang unang sweldo ay niregaluhan niya ang nobyo ng isang “shopping spree”. Masaya si Eugene para sa tagumpay ng kaniyang minamahal ngunit bigla siyang natauhan na dapat ay siya ang gumagawa nito para kay Yin Yin ngunit tila nagkabaliktad yata.

Marami man ang tumutol sa kanilang pagmamahalan ay hindi sinukuan ng nobya ang kaniyang kasintahan. Kung kaya naman bilang ganti ay mas nagsumikap pa si Eugene sa buhay, nakapagpatayo sila ng isang magandang tahanan at nakapamasyal sa iba’t-ibang dako ng mundo.

Photo credit: Eugene Ng / Facebook

Tunay nga na kung gugustuhin mo talaga ay magtatagumpay ka rin sa buhay lalo na kung hindi ka maiinggit sa naging tagumpay ng iyong kapwa.




error: Content is protected !!