Anak ni Dimples Romana na si Callie, nagsimula ng sarili niyang negosyo sa edad na 16 na taong gulang gamit ang perang inipon niya!



Lakas ng loob at determinasyon ang kailangan upang makapagsimula ka o makapagtatag ka ng sarili mong negosyo lalo na sa ngayon na napakaraming maaaring maging dahilan upang ikaw ay malugi. Ngunit para sa anak ng aktres na si Dimples Romana na si Callie, hindi balakid ang mga bagay na ito upang hindi niya simulan ang kaniyang munting negosyo.

Image by Dimples Romana via Instagram



Kahit pa nga sa murang edad ay talagang sinubukan pa rin niyang simulan ang pangarap niyang ito. Ang kaniyang sariling “line” ng mga “rattan bags” ay tinawag niyang “Cal the Brand”.

Ang mga produktong bag ni Callie ay gawa mismo sa ilang probinsiya sa ating bansa. Nais niya talagang magsimula ng ganitong negosyo habang bata pa lamang siya upang sa kaniyang paglaki ay mas lalo pa itong lumago.




“I’ve been really wanting to start something on my own as early as now so that, at least when I’m older, there’s a chance for it to get bigger and, hopefully, reach a lot more people,” Pahayag ni Callie.



Isang proud parent naman ang ina ni Callie na si Dimples dahil sa murang edad ng kaniyang anak ay batid na niya ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan at ang pagbibigay ng kabuhayan para sa maraming mga Pilipino na mayroong talento sa paglikha ng mga magagandang disenyong ito ng mga “rattan bags”. Ipinahayag din ng batikang aktres na ang lahat ng tagumpay ng kaniyang anak sa ngayon ay dahil lamang sa kaniyang sariling pagsusumikap.


Image by Dimples Romana via Instagram



Dahil maging ang perang ginamit ni Callie bilang panimula ng kaniyang negosyo ay nanggaling sa kaniya mismong ipon at hindi hiningi lamang o ibinigay nilang mag-asawa.



“Sometimes I forget you’re only 16. From your wisdom, entrepreneurial spirit, to the way you go about ideas, you make me so proud to be your mama,” Pahayag pa ni Dimples sa kaniyang Instagram post.




error: Content is protected !!