Categories: Viral

First ever TV appearance ng panganay na apo ni Raffy Tulfo, labis na kinagiliwan ng publiko!

Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng ‘extended family ties’. Marami sa atin ang naninirahan pa rin kasama ang ating mga lolo at lola sa iisang bahay.

Kadalasan pa nga ay nakakasama pa natin sila hanggang sa ating paglaki at hanggang sa magkaroon na tayo ng sarili nating mga pamilya. Tiyak na marami din sa atin ang nakaranas ng kalinga ng ating mga pinakamamahal na lolo at lola.’

Mapalad tayo dahil sa nagkaroon tayo ng pambihirang karanasang ito. Kamakailan lamang ay ibinahagi sa publiko ng batikang host na si Raffy Tulfo ang kaniyang kauna-unahang apo.

Tulad ng maraming mga lolo at lola ay sabik na sabik din siyang masilayan ang kaniyang napakacute na apo sa anak niyang si Mar o si Maricel. Ang kaniyang apo ay walang iba kung hindi si Grayson Maxwell Tulfo-Tungol. Ipinasilip ni Idol Raffy ang kaniyang apo sa isang episode ng kaniyang programa.


Napakahimbing talaga ng tulog ng kaniyang apo habang karga siya ng kaniyang ama na si Atty. Garreth Tungol. Wala namang mapagsidlan ng kagalakan ang ‘first time lolo’ at nagpahayag pa na tiyak na matutuwa ang kaniyang apo kapag napanuod niya ito paglaki niya.

Ayon din kay Idol Raffy ay talagang manang-mana diumano sa kaniya ang apo dahil sa sobrang pagiging cute nito. Ika-28 ng Nobyembre 2020 nang magsilang si Maricel ganap na ika-1:36 ng hapon.

Itinuturing naman ng mag-asawang Maricel at Atty. Garreth na napakagandang regalo para sa Kapaskuhan ang kanilang supling. Hindi madali ang maging isang magulang ngunit napakasarap din naman talaga ng pakiramdam na ito.

Lalo’t higit para sa mga lolo at lola tiyak na mas nasasabik at nagagalak silang makilala at makasama ang kanilang apo at magiging mga apo pa. Hindi rin natin masisisi pa ang mga lolo at lola natin lalo na kung madalas ay gusto nilang ibigay sa atin lahat ng ating mga gusto kahit pa minsan ay palihim dahil sa hindi ito papayagan ng ating mga magulang.

Mas gusto kasi nilang masilayan ang matamis na ngiti sa ating mga labi.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago